Chapter 13

9.7K 375 18
                                    

41

Chapter 13

“Cale?” Sagot niya sa tawag ni Caleb at pinanatili niyang matatag ang boses niya. Ayaw niyang makahalata ito na may nangyari dahil mag aalala lamang ito.

“Hey baby, how’s the taping?” Tanong nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa tanong nito.

“Okay lang naman.” Napatingin siya kila Jay na mukhang aalis na. Biglang nag taping ang mga ito ng pag exit ni Jay.

“Are you sure? Wala bang ginawang mali sa iyo ang mga kasama mo?”

“Uhm wala naman.”

“Addy, you can tell me.”

Napalunok siya.

“Jay pulled me and I lost my balance. Tinulungan naman nila ako and they’re taping now again. Aalis na si Jay.” Pagsasabi na niya rito.

“He pulled you? I’ll kill that son of a bitch.”

Napangiwi siya. Kahit sa telepono lamang sila nagkausap ay ramadam niya ang galit nito. Alam niyang nagtatangis na ang bagang nito ngayon dahil sa sinabi niya.

“It’s okay. Nag apologize na sa akin ang manager niya at ganoon din ang director. Pinapaalis na nila si Jay.”

“They should be.” Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “Anyway, are you hurt? May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?” Sunud sunod na tanong nito.

“I’m fine. Hindi naman ako nasaktan at agad din ang pag assist sa akin ng ibang staff at cast.”

“Susunduin kita r’yan.”

“Cale, h’wag na. I’m okay, tatawag na lang ako sa’yo. Don’t worry.”

“I can’t help but worry.”

“Napag usapan na naman natin ‘to. I’ll call you, magsasabi naman ako sa’yo.”

Muli niyang narinig ang pagbuntong hininnga nito.

“Why can’t you let me protect you?” Naroon ang pagtatampo sa boses nito.

“Caleb, I -I don’t need protection, I can handle myself, what I want is for you to trust me.” Sabi niya rito.

“I do trust you, ang mga kasama mo ang hindi ko mapagkatiwalaan.”

“Cale, I’ve known them for years.”

“Alright.”

“Thank you.”

“Call me.”

“I will.”

Pinutol na niya ang tawag at bumalik na sa trabaho. Alam naman niya ang pinanggagalingan nito, pero kailangan siya nitong pagtiwalaan.

-

After ng dinner nila ng crew at cast ay tumawag siya kay Caleb para sabihin dito na ayos na siya. Sinabi niya ring nakaalis na si Jay. Palagay niya ay nakahinga naman ito ng maluwag sa sinabi niya.

Humingi rin ng pasensya siya sa kanya ang director at ang iba pang nakakaalam na guest si Jay. Hindi naman daw kasi alam ng mga ito na ganoon pala ang lalaki at ganoon pala ang nangyari sa kanila. Nalaman niyang ipinakisuyo lang pala ng manager ni Jay ang pagiging guest nito.

-

Nakita niya si Caleb na nasa tapat mismo ng building nila nang dumating sila mula sa trip nila.

“Hi.” Sabi nito sa kanya at nakangiti sa kanya. Umakbay ito sa kanya at hinalikan siya sa sintido.

“Hi.” Sagot niya rito. “I’m sorry kung matigas ang ulo ko.” Sabi niya.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon