Chapter 11

9.8K 447 62
                                    

41

Chapter 11

They’ve been going out for quite some time. Tuwing hapon ay sinusundo siya nito at sabay silang nag d-dinner. Sinasamahan niya ito sa Silver Minx kung minsan katulad ngayon. Katatapos lamang nilang maghapunan at sumama siya rito pabalik sa bar dahil wala naman silang taping bukas. Regular na araw lamang at nasa opisina siya.

Habang nakaupo siya sa may counter at pinapanuod si Caleb ay may lalaking tumabi sa kanya.

“Hi.” Sabi nito sa kanya. Kilala niya ito. Ayon kay Caleb ay Clovis ang pangalan nito at ito rin yata ang bad spirit na tinutukoy ni Sela.

“Hi.” Sagot niya rito.

“You’re Sela’s neighbor.”

“Yes.”

“and Caleb’s woman.”

Tumango siya rito. Iniabot nito ang kamay sa kanya at kinuha naman niya iyon.

“I’m Clovis.”

“Adrianne, nice to meet you.”

“Nice to meet you too. Anyway, can you do me a favour?” Tanong nito sa kanya at napakurap siya. Ngayon lang sila nagkakilala pero humihingi na agad ito ng pabor sa kanya.

“Hey, what’s happening here?” Si Caleb iyon na nakangiti sa kanila.

“Nagpakilala lang ako sa syota mo, saka may hihingin sana akong pabor sa kanya.” Sabi ni Clovis.

“Pabor kay Addy?” Kunot noong tanong ni Caleb sa kanila. Binigyan sila nito ng beer at kumindat ito sa kanya. Kung wala siguro ang kaibigan nito ay nakapulupot na siya rito.

“Yes. Sela’s not answering my calls.” Sabi nito.

“Ah. Hindi ka namin matutulungan. We know Sela. Bahala ka umayos niyan.” Sabi ni Caleb.

“Bakit? Uhm, ano bang gagawin kung sakali?” Tanong niya.

“Babe, let them be. They’re both stubborn.”

“But maybe pwede akong tumulong.” Sabi niya. Napangiti si Clovis habang ang Caleb niya ay napailing at huminga ng malalim.

“Thanks! I’ll just want to know kung anong oras siya umuuwi. These past few days ay hindi ko siya inaabutan sa bahay niya. Palagi siyang wala.” Sabi nito.

“Hindi rin ako sure kung anong oras siya dumarating but I’ll see what I can do.”

“Thanks, I really need to talk to her.”

Nang tumango siya ay itinaas nito ang bote sa kanya at umalis na sa counter.

“What?” Tanong niya kay Caleb na matamang nakagitig naman sa kanya.

“You’re too nice.”

“No, I’ll helping him ‘cause he’s your friend.”

Hindi ito umimik. Ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay niya.

Nang matapos ang gabi ay umakyat silang dalawa sa bahay nito at doon siya nagpalipas ng gabi.

Inihahatid na lamang siya nito pauwi sa apartment niya sa umaga.

-

Napatingin siya sa likuran niya dahil pakiramdam niya ay may nanunuod sa kilos niya. Hindi nga siya nagkamali. Ilang metro mula sa kanila ni Caleb ay naroon ang makapal niyang ex at masama ang tingin sa kanila.

“Is that Jay?” Tanong ni Caleb at napaangat siya ng tingin dito. Nakatitig na rin ito kay Jay at mas masama ang tingin na ipinupukol nito sa ex niya.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon