Chapter 16

9.4K 437 58
                                    

SILVER MINX

Chapter 16

Nagsimula sila ng taping ng bago niyang show at base sa concept nito. Inuna nila ang kalapit na mga probinsya para sa mga mabilisang planong trip. Saka na niya pag dedesisyunang lumayo sila.

Nang matapos sila sa taping at bumalik sila ng siyudad ay nagpasya siyang pumunta sa isang mall at pumasok sa isang toy store. Ayon kay Caleb ay mahilig sa dinosaurs si Bailey.

Ilang minuto na siyang nakatayo sa harap ng mga dinosaurs at mukhang nainip na ang attendant sa kakahintay sa kanya kaya’t umalis na ito at iniwanan siya para pumunta sa ibang customer.

Kinuha niya ang cellphone at huminga ng malalim bago idial ang number ni Caleb. Isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin nito sa kanya ang tungkol sa anak nito.

She’s decided. She’s going to do this. Sa isang linggong iniisip niya ito ay mas nahihirapan siyang hindi ito kasama at hindi ito nakikita. Hanggang sa napanaginipan na rin niyang kasama siya sa pamilya nito, na naglalakad sila sa beach habang nakakapit sa kamay nilang dalawa si Bailey.

Naka limang ring iyon bago nito sagutin.

“Hey …” Sagot nito at nakagat niya ang ibabang labi niya. She missed him big time.

“Uhm, hi.” Sagot niya rito.

“Hi.”

“I was wondering if it’s okay to buy Bailey some dinosaurs?” Alangang tanong niya rito.

“What?” Tanong nito.

“I want to buy dinosaurs for Bailey. Will it be fine?” Ulit niya pero ang bilis ng tibok ng puso niya habang naghihintay ng sagot nito.

“Yes, of course.” Sagot nito. Hindi siya sigurado pero parang maski ito ay kabado rin habang kausap siya. “Where are you?” Tanong nito.

“Nasa mall, malapit sa station.”

“I’ll pick you up.” Sabi nito.

“No, h’wag na.”

“Please, let me pick you up.” Sabi nito. May naririnig siyang boses sa background na palagay niya ay nagmumula sa television. Parang sound iyon ng cartoon.

“Are you with Bailey?” Tanong niya rito.

“Yes.”

“Nasaan kayo?” Tanong niya rito.

“Home.”

“Ako na lang ang pupunta r’yan.” Sabi niya at bumuntong hininga ito.

“Okay.”

“I’ll see you guys later.” Puputulin na niya ang tawag nang magsalita itong muli.

“Addy…”

“Yes?”

“Thank you.”

“What for?”

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon