Chapter 4

10.9K 452 121
                                    

41

Chapter 4

Muntik na siyang mapatayo sa kinauupuan nang makita niya sa panaginip niya si Caleb Arvesu. Nasa byahe sila papunta ng camp na tutuluyan nila sa La Union at napaidlip siya sa sasakyan. Mukhang nagulat ang katabi niyang staff dahil sa kanya.

“Sorry.” Sabi niya.

“Okay lang po kayo?”

“Yes, yes. I’m fine.” Sagot niya rito.

May air condition  naman pero pinagpapawisan niya sa panaginip niya.

Sa panaginip niya ay naroon siyang muli sa bahay nito at nasa sofa silang dalawa. Ayon doon ay hinuhubaran siya ng lalaki kasabay ng paghalik nito sa kanya.

Naisuklay niya ang kamay sa buhok niya at huminga siya ng malalim. Kailangan niyang kumalma dahil kung hindi ay baka maubos ang buhok niya sa kakasuklay niya.

-

Natapos ang taping nila at ramdam na ramdam niya ang pagod. Unang una sa lahat ang napakalayo ng byahe nila. Ikalawa ay hindi nakisama ang panahon sa kanila.

Sa tapat sila ng station naghiwa-hiwalay at nakaramdam siya ng gutom. Naalala niya ang Black Water na hindi kalayuan sa station nila. Naroon kaya ulit si Caleb para mag almusal? Alas otso ng umaga at hindi malabong kumakain ito roon, hindi lang din siya sigurado kung regular ito roon. Swerte niya kung naroon ang lalaki. Makakabawi na siya rito kahit papaano, sasabayan na niya ito sa pagkain.

Pagpasok niya ng restaurant ay agad niyang iniikot ang paningin pero hindi niya nakita roon si Caleb.

Lalabas na sana siya nang may humarang sa kanya.

“Hi, welcome to Black Water.” Sabi nito sa kanya. Ito iyong lalaking nasa counter noong nakaraan na kinakikiligan ng mga kasama niya.

“Hi.” Bati niya rin dito at marahan siyang tumango.

“Nag iisa ka yata ngayon.” Sabi nito sa kanya.

“Ah oo.”

“Our waffles are especially good today. The chef is hype for impregnating his wife.” Sabi nito at halatang natatawa ito.

“Oh. That’s nice.” Hindi niya naman ito kilala pero bakit napaka friendly yata nito.

“So please, sit down.” Sabi nito at ipinaghila siya ng upuan. Napilitan naman siyang umupo roon. Ngumiti ito sa kanya at nagpunta ito sa counter.

Bakit pakiramdam niya na scam siya? Sapilitan siyang kakain dahil dito. Ni hindi man lang niya nakita ang menu at agad agad ay waffles na ang order niya.

“Here’s your waffles and coffee. Kung may kailangan ka pa ay magsabi ka lang, I’ll be over there.” Sabi nito at lumakad na pabalik sa counter.

Mukha namang masarap ang nakahayin sa kanya, para lang mas gusto niya ng kanin dahil mas heavy iyon. Kinain na rin niya iyon dahil nakahayin na sa kanya.

Nang matapos siyang kumain ay magbabayad na sana siya pero hindi iyon tinanggap ng naghayin sa kanya.

“It’s on the house.” Sabi nito at ngumiti.

“Huh?”

“It’s okay, just make us your official restaurant. Kung gusto niyo ng coffee or anything sa office niyo, call us. We deliver.” Sabi nito.

“I see. Sige.”

“Thanks.”

Lumabas na siya ng restaurant. Kaya pala hindi na siya pinapili nito dahil may ipagagawa naman sa kanya.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon