Chapter 18

9.6K 431 30
                                    

SILVER MINX

Chapter 18

Naka short break sila sa taping ng show at hindi niya mapigilang mapangiti habang nakatingin sa screen ng cellphone niya.

May picture sila roon ni Bailey at sa background ay hagip doon si Caleb na nakangiti rin kahit hindi ito nakatingin sa camera.

Nag type siya ng message na isesend kay Caleb. Gusto na niyang umuwi at makasama ang mag ama. Parang hindi na siya sanay na hindi nakakasama ang dalawa.

“Hi, what you doin’?”

Naalala niya ang cartoon na pinapanuod nila ni Bailey.

“Preparing the bar. Bailey’s playing with one of my friends. She’s telling him about you.”

“Really? I miss you, guys.”

“We miss you too. I miss you. When will you be home?”

“Tomorrow morning.”

“I’ll pick you up.”

“Okay. I’ll see you tomorrow.”

-

Nasa labas ng building si Caleb at nakasandal ito sa sasakyan nito. Titig na titig ito sa kanya habang naglalakad siya papalapit dito.

“Hi, where’s Bailey?” Tanong niya rito.

“Day care. Come on.” Sagot lang nito at pinagbukas siya ng pinto ng sasakyan. Dumeretso sila sa bahay niya at tinulungan siya nitong dalhin ang mga gamit niya paakyat.

“Kumain ka na ba? I’ll make you something while you change.” Narinig niyang sabi nito mula sa living room.

“Okay.” Sagot lang niya. Pumasok siya sa banyo at mabilis na nag shower. Nang natapos ay nagsuot siya ng oversized shirt at cotton shorts.

Paglabas niya ng kwarto ay amoy pagkain. Nang tingnan niya ang lamesa ay mayroon ng scrambled eggs doon at ham. Gumawa na rin ito ng kape at noon niya naramdamang gutom na siya.

“Hey, kain ka na.” Sabi nito at ipinaghila siya ng upuan. Tumalikod naman ito at naghanda ng tasa.

“Thanks.” Sagot niya. Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa likod nito.

She missed him. Parang ang tagal na nilang hindi nagkakasarilinan ni Caleb. Parang gusto niyang yakapin ito.

Huminga siya ng malalim at lumapit dito para sundin ang gusto niyang gawin.

Habang nakatalikod ito ay ipinaikot niya ang braso sa bewang nito at idinikit ang katawan dito.

“Adrianne?” Untag nito sa kanya.

“I missed you.” Sabi niya. Hinawakan naman nito ang kamay niyang magkahugpong at hinaplos iyon.

“I missed you too.” Sagot nito. Humarap ito sa kanya at niyakap din siya. Hinalikan siya nito sa sintido. Hindi siya bumitaw dito kahit iniitindi nito ang kape nilang dalawa.

“Come on.” Saad nito at naupo na ito. Hinawakan naman nito ang siko niya at pinaupo siya nito sa kandungan nito. Pumatong sa balikat nito ang braso niya habang ang palad nito ay dumantay sa hita niya.

Inabot niya ang tinidor at nagsimula siyang kumain. May mumunting kilabot naman ang nararamdaman niya sa bawat haplos nito sa hita niya.

“I thought you’re wearing your night gown.” Sabi nito at tiningnan siya. Napataas ang kilay niya at nilingon ito.

“Ah, so you’re expecting.” She teased.

“Yes.”

Binitawan niya ang tinidor at hinawakan ito sa magkabilang pisngi at matunog na hinalikan ito sa labi.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon