41
Chapter 12
Hating gabi na ay naroon pa silang dalawa ni Caleb sa Black Water at kausap pa ang mga pinsan nito. Umalis si Chino para sunduin daw ang asawa nito, nang dumating ito ay kasama na nito ang asawa. Dumating na rin doon ang asawa ni Esso ganoon din ang iba pang kaibigan ng mga ito kasama ang kanya kanyang partner nila.
Parang naiinggit siya bigla sa mga ito. They all look happy and beautiful. They’re all glowing.
Umakbay sa kanya si Caleb at nag slouch ito sa upuan. Mukhang napansin nito na parang naging uneasy siya.
“You, okay?” Tanong nito sa kanya.
“Yes.” Sagot niya rito.
“Are you sure? Do you want to go home?”
“No. I’m okay.” Ngumiti siya rito at hinalikan siya nito sa sintido.
Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Gusto niyang yakapin si Caleb. Ganito rin ba ang mangyayari sa kanila sa hinaharap? Gusto niyang ganito rin sila. Gusto rin kaya ito ni Caleb?
Nakausap niya ang mga kakilala nitong naroon at mabait sila sa kanya at hindi naman ipinaparamdam na out of place siya pero halatang matagal ng magkakakilala ang mga ito. Nahihiya siyang makihalubilo sa mga ito.
-
“You sure you’re okay? Tahimik ka.” Sabi ni Caleb. Inihatid na siya nito pauwi sa bahay niya.
“Yes, I’m okay. May naisip lang ako.”
“What is it? Talk to me.” Sabi ni Caleb.
“I’m happy I met your cousins and your friends.”
“You’ll meet my other friends soon.”
“You have other friends?”
“Yes. Sila Clovis.”
“Oh. Okay.” Napasandal siya sa pinto.
“What? Why?”
“Nothing. Na overwhelmed lang ako.”
Nagsasabi siya ng totoo.
“Would you like me to spend the night?” Tanong nito sa kanya at hindi siya nag alinlangan na tumango rito.
-
Nagising siya dahil sa pag ring ng cellphone niya. Wala na si Caleb sa tabi niya. Bumangon siya at kinuha ang cellphone sa loob ng pouch niya para sagutin iyon pero pinabayaan lamang niya iyon na mag ring nang makitang si Jay ang tumawatawag sa kanya. She placed it on silent mode at ibinalik na niya iyon sa bag niya. Lumabas siya ng kwarto at nakita roon si Caleb na nagluluto ng breakfast nila.
Abala ito at hindi na nito napansin na nagising siya. Lumapit siya at niyakap ito mula sa likuran.
“Hey beautiful, good morning.” Sabi nito. Humawak sa kamay niya at yumuko para halikan siya sa labi. Tumingkayad siya at nanguyapit sa batok nito.
“How’s your sleep?” Tanong niya rito.
“Never been better.” Sagot nito at naramdaman niya ang paghaplos nito sa likuran niya. Pinilit niya ang sariling h’wag magpadala rito.
“Anyway, Today is my payday, I’ll pay you.” Sabi niya at kumunot ito.
“No, don’t.”
“Please, Caleb.”
“I won’t accept that.”
“Please, pumayag ka na. I’ll be upset.”
Huminga ito ng malalim at yumakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Silver Minx
Romansa[Mature Content] Caleb Arvesu, the dirty talker who didn't expect his Silver Minx to be hit by a real Silver Minx. (This book contains strong language and mature scenes not suitable for younger readers.)