Chapter 8

10.4K 445 71
                                    

41

Chapter 8

One thing’s for sure. The man is a sweet and dirty talker.

Inihatid siya nito pauwi sa apartment niya. Hindi niya alam kung papapasukin niya ito sa loob pero ito na mismo ang nagsabi na aalis na ito dahil kailangan pa nitong bumalik sa bar. Tumango naman siya at hinayaan niyang yakapin siya nito at halikan sa pisngi bago sila maghiwalay na dalawa.

Ihinatid niya ito ng tingin hanggang sa sumara ang elevator. Eksakto namang bumukas ang pintuan ng kapitbahay niya at may dala itong container.

“Hi.” Bati nito sa kanya.

“Hi, good evening.” Sabi niya rito at ngumiti.

“Was that Cale?” Tanong nito at pinamulahan siya ng mukha. Tumango naman siya bilang pag amin dito.

“Anyway, here you go. Let’s be nice neighbors.” Lumaki ang ngiti niya rito at inabot ang container mula sa rito.

“Sure, thanks. Uhm, do you want coffee?” Alok niya rito.

“I’ll never say no to coffee.”

Pinapasok niya ito sa apartment niya at nagsimula siyang gumawa ng kape. Naupo ito sa may lamesa at may naglalarong ngiti sa labi nito. Parang alam niya kung anong gusto nitong itanong sa kanya.

“So, papaano kayo nagkakilala ni Caleb?” Tanong nito at namula ang mukha niya. Bigla siyang nahiya nang maalala kung papaano sila nagkakilala.

“Sa Silver Minx. I went there for a drink then doon kami nagkakilala.” Sabi ko sa kanya.

“Mayabang na lalaki. Lagi niyang sinasabi na never mix business with pleasure especially with customers pero well, he got himself a beauty.” Sabi nito at pinigilan niyang mapangiti.

“How about you? Kailan pa kayo magkakilala?” Tanong niya rito at inilapag niya ang dalawang  tasa sa harap nila.

“Kaibigan siya ng kakilala ko, I met him like seven years ago.” Sabi nito at sumimangot ito ng bahagya. Gusto niyang sabihin dito na alam niyang ex husband nito ang sinasabi nito.

“I see.”

“Are you together?” Tanong nito sa kanya at umiling siya.

“No.”

“But he likes you. I can see it.” Humigop ito ng kape at kumindat sa kanya.

“Sinabi rin niya sa’kin.”

“That’s nice. Do you like him? Oh don’t answer. Sorry, I didn’t mean to pry but he’s a nice guy.” Sabi nito. Tumango naman siya rito at pinag usapan na lamang nila ang kanya kanya nilang trabaho kaysa sa personal nilang buhay. Nalaman niyang family doctor pala ito sa St. Andrew’s.

Mag hahating gabi na nang umalis ito. Pareho silang nakalimot sa oras. Mukhang nagkaroon siya ng panibagong kaibigan sa katauhan nito.

-

“Are you asleep?” Ramdam na naman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang mabasa niya ang message mula kay Caleb.

“No, not yet.” Reply niya rito.

“I missed you already. May I call you? If it’s okay?”

“Yes you may.”

Agad na nag ring ang cellphone niya at sinagot niya ang tawag nito.

“Hi.”

“I was thinking about you.” Sabi nito at napapikit siya. His honesty and straightforwardness will drive her crazy one of these days.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon