Chapter 17

9.5K 438 51
                                    

SILVER MINX

Chapter 17

Humalukipkip siya at tinaasan ng kilay si Caleb na mukhang nag eenjoy sa brownies na dala niya at sa tasa ng kape na hawak nito. Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti nito.

“So do you usually do that to your friends?” Tanong niya rito.

“Nope, to the pretty ones only.” Sabi nito at nadampot niya ang paper bag na pinaglagyan ng brownies at ibinato rito. Humalakhak naman ito sa ginawa niya at tumayo para lumapit sa kanya.

“You lick their ears too?” Tanong niya ulit.

“No. Why? You jealous, my friend?” Sagot nito sa kanya.

“Says who?”

“Hmm … lying is not your best suit, Addy.” Sabi nito at itinaas ang daliri sa puno ng leeg niya pababa sa gitna ng dibdib niya. “I like how you blush from your chest to your face.”

“Bailey is just meters away.” Bulong niya at sumulyap sa kwarto, natanaw niya roon si Bailey na mukhang mahibing ang tulog.

“Yeah, and asleep.” Sabi nito at muling tumaas ang daliri nito pabalik sa leeg niya.

“We’re just friends.” Sagot niya rito sa mahinang tinig.

“Ah, so you’re putting me now in the friendzone, huh?” Sabi nito.

“No. I’m stating a fact.”

“Right. I’ll let you go for now, my pretty friend.” Sabi nito at dumistansya sa kanya. Kinuha nito ang brownies at kape at dinala sa sala. Naupo ito sa sahig at tinapik ang tabi nito.

“Come here.”

Sumunod siya at naupo sa tabi nito habang dalawa silang nanunuod ng Phineas and Ferb.

Gusto niyang matawa dahil parehong pareho ng description ang mag ama tungkol sa cartoon. Kung si Bailey ay si Perry ang favourite, si Ferb naman daw ang favourite character ni Caleb. Talagang hindi nagpatalo sa anak at may sariling favourite.

Matapos iyon ay Masha and the Bear naman ang nasa screen at gusto niyang matawa dahil kasing cute ni Bailey si Masha.

Kagaya ng sa Phineas and Ferb ay ikiniwento rin sa kanya ni Caleb ang tema ng palabas. Natutuwa siya pinapanuod nila pero mas natutuwa siyang panuorin si Caleb dahil naka focus ito sa television.

Matapos ang dalawang episode ay tumingin ito sa wall clock at tumayo.

“Wait a sec.” Paalam nito sa kanya at tumango naman siya.

Nakatingin pa rin siya rito at napangiti siya nang pumunta ito sa kwarto at nagsimulang magtimpla ng gatas.

Tumabi itong muli kay Bailey at inilagay ang feeding bottle sa bibig ni Bailey. Bahagya itong nakatalikod sa kanya pero kita niyang muli nitong tinampi si Bailey.

Nang maubos ang laman ng feeding bottle ay tumayo na si Caleb at bumalik sa tabi niya.

“I didn’t know you can be more attractive than before.” Sabi niya at ngumisi ito sa kanya. “I think fatherhood suits you.”

“Ah, now my friend finds me attractive.” Sabi nito at umakbay sa kanya. Ang kamay nito ay humahaplos sa braso niya pataas sa balikat niya.

“Hmm, and you’re taking advantage of it?”

“Yes. What are you implying, my friend?” Tanong nito at hinapit siya dahilan upang mas lalong magdikit ang mga katawan nila. Napahawak siya sa dibdib nito.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon