Chapter 3

11.8K 476 113
                                    

41

Chapter 3

Bago siya umuwi ng bahay ay pumunta siya sa bangko upang mag deposito ng bayad para sa renta sa apartment niya. Maigi na lamang at may ilang mga bangko na ang bukas kung Sabado.

Hindi pa rin niya mapaniwalaang ang nangyari sa kanya. Pumasok siya sa bar at nagpakalasing doon. Ni hindi niya maalala na nakilala niya ang may ari, ikwinento pala niya rito ang talambuhay niya at kung anu ano ang ginawa niya kasama nito. Pag gising niya ay pinahiram siya nito ng pera dahil mukhang naawa ito sa kalagayan niya!

Nakakahiya man ay hindi na siya nag inarte dahil talagang nangangailangan siya. Swerte na lang din niya dahil may tumulong pa sa kanya.

-

Nang umuwi siya sa bahay niya ay pinagtatanggal niya ang mga litrato nila ng ex boyfriend niya. Kung bakit kasi isa’t kalahati siyang tanga na nagpaloko rito. Itinapon niya sa basurahan ang mga frame at nagsimula na rin siyang itapon ang mga ibinigay nito sa kanya na hindi na mapapakinabangan. Ang akala niya ay pinag ipunan nito ang mga regalo nito sa kanya, iyon pala ay pera rin niya ang ginastos ng walangh’ya. Ibebenta niya online ang mga mapapakinabangan pa sa mga bigay nito, mabawi man lang niya ang iba niyang pera.

-

Hawak niya ang printed copy ng kontrata nila ni Caleb Arvesu at ipapanotaryo na rin niya iyon pero hinihingan siya ng ID ng lalaki kaya’t nakatayo siya sa harap ng bahay nito.

Hindi niya alam kung papaano siya kakatok dahil wala namang matatawag na pintuan ang bahay nito. Isang malaking roll up door iyon. Garahe, bodega at stock room ng bar ang nasa likod ng pinto at may hagdanan paakyat na siyang nagsisilbing pinaka bahay nito.

Naghanap siya ng door bell or buzzer pero wala siyang makita. Maririnig kaya siya ng lalaki kung kakalampagin niya ang roll up door?

Huminga siya ng malalim bago nagpasiyang hampasin iyon.

Hinampas niya ng tatlong beses ang roll up door at may lumabas mula sa bar.

“Hi, may kailangan po ba kayo?” Tanong nito sa kanya. Mukhang nag tatrabaho ito roon pero mukhang estudyante pa lamang ito.

“I’m looking for Mr. Caleb Arvesu.” Sabi niya rito.

“Sino po sila?” Tanong nito.

“We’re acquainted.” Sagot niya at tumango ito.

“Ah, pasok po kayo. Narito po siya sa bar.” Sabi nito at sumunod naman siya rito. Nang pumasok siya ay tahimik sa loob at tanging sa counter lang may ilaw. Nakita niya roon ang lalaking pakay na magpupunas ng mga baso. Sa tapat nito ay may isang lalaki na umiinom ng alak.

“May naghahanap sa’yo, Caleb.” Sabi ng nagpapasok sa kanya. Dumeretso rin ito papunta sa loob ng counter.

Dalawang lalaki ang tumingin sa kanya. Parehong gwapo pero para sa kanya ay mas gwapo ang lalaking tumulong sa kanya.

“Naks, may bisita si Cale.” Sabi ng lalaking kaharap nito.

“Umuwi ka na, Clovis. Kanina ka pang umaga rito, anong oras na.” Sabi ng mukhang college student na nag nagpapasok sa kanya sa loob ng bar.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon