CHAPTER 1
Kahit alas dos pa ng tanghali ang klase ko ay maaga akong nagising dahil may tinapos pa akong school works.
Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Tinanong ko sina Ate Vilma, ang sabi niya ay nakakain na raw sila. Busy na sila ngayon sa mga gawaing bahay.
"Minsan po dalin niyo rito ang bunso niyong kapatid," sabi ko sa kanya.
Napatigil siya sa ginagawa niya at tinignan ako. "Pwede ba 'yon, Charlotte? Baka magalit si ma'am Theora?"
Umiling ako. "Hindi naman siya umuuwi dito, 'di niya 'yon malalaman.." bahagya akong tumawa at saka ako naupo sa tapat ng lamesa para mag umpisang kumain. "Saka nga pala, Ate Vilma paki text niyo po ako pag dumating ulit si Mommy."
Doon ko narealize na lagi akong kumakain mag isa sa bahay, and that's the reason why I like being surrounded by my friends at school. I like hanging out with them, kahit pa mga loko-loko ang mga 'yon ay nasisiyahan akong kasama sila. Kung gaano katahimik sa bahay ay ganoon naman sila kaingay.
Pagdating ko sa room ay nagulat ako nang makita ko na nagkakagulo ang lahat. May mga nakatayo at ang ilan ay nagkukumpulan sa isang sulok.
"Anong meron?" tanong ko kay Trisha.
May hawak siyang ballpen at yellow paper tapos may calculator rin siya sa arm chair. Sinulyapan niya ako bago siya nagsalita.
"Nagpa surprise quiz daw si Mrs. Lopez sa kabilang section, mainit daw ang ulo!"
Namilog ang mata ko sa narinig. Naupo ako sa tabi niya at mabilis kong binuklat ang notebook ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na nadala ko 'yung sci cal ko. Akala ko naiwanan ko 'to sa bahay dahil may tinapos pa akong assignment.
Kung sa ibang program ang may roong surprise quiz tahimik ang mga tao para mag aral. Dito sa amin ng mga blockmates ko sa engineering department nagkakagulo naman.
"Pahingi ng yellow paper!" sigaw ng isa kong kaklase. "Ang dadamot niyo!"
Nakita ko na lumipad ang isang pad na yellow paper papunta sa kanya.
"Manahimik ka, Remulo napakaingay ng bunganga mo! susungalngalin kita!"
Pumasok ang tatlo namin na kaibigan dahil naramdaman ko na may naupo sa tabi ko. Nag angat ako nang tingin at nakita ko na si Axle 'yung nasa gilid ko.
"Hoy ano 'yan? May quiz?" gulat na gulat na sabi ni Liam.
"Oo tanga," nagmamadali kong sabi.
"Ampotek."
Lahat kami ay natataranta na pero ang ending ay fake news naman pala 'yung surprise quiz. Nag vlog lang pala ang isa kong kaklase at it's a prank daw iyon. Samo't-saring mura ang natanggap niya. Muntik pa silang mag suntukan nung isa.
"Nakakapikon na talaga 'to, lakas ng tama," rinig kong bulong ng iilan.
"Pampam 'yan, hindi pa kayo nasanay."
"Papansin, ginawa pa tayong content parang gago."
May one hour break kami bago ang susunod na subject kaya lumabas muna kami ni Trisha at tumambay sa may corridor.
"Yung CE proj natin, pag usapan na natin 'yon bukas para hindi tayo magahol," nilagay ko ang braso ko sa ibabaw ng railing.
Tumango si Trisha. Kahit pangalawang araw pa lang ng second semester ay dapat na namin pagplanuhan 'yon dahil mabilis lang ang araw. Tatlong linggo ang binigay na palugit para sa proposal ng project na gagawin. Mabuti na lang at iyong OJT namin ay natapos na namin noong summer bago mag start ang fourth year. Iyon din ang dahilan kung bakit halos lahat ay pagod sa engineering, dahil imbis na bakasyon namin noong summer ay nasa field kami para mag OJT. Pero ayos na rin 'yon, at least hindi masasabay 'yon sa ginagawa namin ngayon dahil for sure mas mahihirapan kami.
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...