PROLOGUE
I've always had this void in my heart that I felt like I needed to fill in.
"Swipe pa more."
Tinignan ko si Trisha nang masama. Kinuha ko 'yung tumbler ko sa bag at uminom doon bago ko siya balingan ulit ng tingin.
"Ano na naman?" Saad ko sa babae.
"Hindi ka ba nagsasawa maghanap ng makakadate?" tanong niya sa akin bago siya tumayo at mag inat. Dinig ko pa ang paglagutok ng buto nito.
I looked at my wrist watch. Napakatagal naman nila Liam. Gutom na gutom na ako. Inikot na yata ang buong University, akala mong nag field trip.
"Pag may boyfriend na ako malamang titigil na ako."
Agad naman niya akong binatukan kaya napahawak ako sa ulo ko.
"Gaga ka! Kaka-ghost mo lang sa kausap mo kahapon, sino nga ulit 'yon? 'Yung IT student?"
Inirapan ko siya. "Ayoko na don, ang demanding, busy nga ako tapos gusto niya isang minuto lang naka reply na ako agad. Gusto pa niya magkatawagan kami habang tulog, ang arte." nakanguso kong sabi.
"Ampotek! Para namang teenager 'yang kausap mo. Saan mo ba kasing lupalop nahanap 'yan?"
Nginitian ko si Trisha. "Sa tinder."
"Akala ko ba sa bumble?" she looks so confused.
Umiling ako. "Iba 'yon, last month ko pa pinatigil 'yon."
Parang hindi makapaniwala ang itsura ni Trisha. Hmp! Palibhasa nasa healthy relationship siya! Sana all!
"Oh, eh ano naman ang issue non?"
"Mahal pa ang ex," iling ko.
Napatigil na kami ni Trisha sa pag uusap nang maaninag namin ang mga barkada namin na naglalakad sa ibang direksyon. Hindi yata nila kami agad nakita.
"Mga bugok nandito kami!" sa lakas ba naman ng sigaw ni Trisha ay mapapatingin lahat ng tao na nasa quadrangle sa kanya.
Nang mapansin kami ng mga kaibigan namin ay nagtungo na sila papunta dito. Si Axle at Liam naman ay nagtatawanan. Parang kambal ang dalawang 'to, eh. Iisa lang siguro sila ng tadyang. Hindi mapaghiwalay.
Tumama ang tingin ko sa lalaking nahuhuling maglakad. It was Lennon Crix Santiago. Ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsa. Medyo magulo ang kanyang buhok, ang iilang hibla non ay natatakpan pa ang kanyang malulam na mata. Nakakunot ang kanyang makapal na kilay, marahil nasisilaw siya sa araw na direktang tumatama sa kanyang muka habang naglalakad siya patungo sa direksyon namin.
I averted my gaze when his eyes darted on me. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan ang oras doon kahit naman may relo ako sa kaliwa kong kamay dahil tuwing nagkakatinginan kami ay parang normal na sa akin na umiwas agad ng tingin. Siguro dahil lagi kong iniisip na hindi niya gusto ang presensya ko, o dahil may namumuong tensyon sa sobrang awkward namin sa isa't-isa? Ewan ko ba.
"Sa wakas! Mahihimatay na kami sa gutom," malakas na sabi ni Trisha nang makarating sila sa pwesto namin.
"Buti nga pinayagan pa kami ni Mr. Ramos na magpasa. Halos iyakan na ni Liam si sir," kwento ni Axle sa amin.
Pinagawa kasi kami ng activity ng instructor namin para sa Transpo. Maaga kong napasa 'yong akin dahil ayokong matambakan ako ng gawain lalo na at enrollan na naman namin sa susunod na dalawang linggo para sa second semester. Kailangan ko pa maghanap ng bagong apartment. Ngayon ang huling araw ng klase namin para sa semester na 'to, ngayon din dapat ang pasahan ng project pero binago ng instructor namin kaya marami ang na-late magpasa.
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...