CHAPTER 12
I had multiple flings before. Marami akong nakadate. But my number one rule is to never like a friend romantically. . . It's against my principles.
Buong akala ko ay konti lang ang nainom ko kagabi pero totoo ngang may kabayaran ang lahat dahil pag gising ko ng umaga ay sinisingil na ako ng sarili ko.
"Sakit na ulo ko." Bahagya ko pang pinukpok iyon habang nakapikit na nakahiga sa kama.
Good thing Linggo ngayon at wala akong pasok.
Paglabas ko ng kwarto ay saka ko lang naalala na sabay kaming umuwi ni Lennon. Napatingin ako sa wallclock, it's almost 11 A.M na.
My head was throbbing so bad. Pumunta ako sa sala at naupo ako sa couch at saka ko tinext si Trisha.
Me:
Sakit ng ulo ko, ikaw rin?Natawa ako sa sarili ko. Naghahanap pa talaga ako ng karamay sa dinadanas kong 'to.
Kakapikit ko pa lang dahil hinihintay ko 'yung text ni Trisha nang mag vibrate 'yung cellphone ko.
Open your door.
I read her reply with my eyes half opened. Parang tanga talaga 'tong si Trisha. Sabi ko masakit ang ulo ko tapos pinapabukas 'yung pinto?! Mawawala ba 'yon pag binuksan ko?!
Me:
Ayoko nga. Gara mo. Di masakit 'yung ulo mo? Unfair hay.Hindi ko pa man nabababa 'yung cellphone ko ay agad na itong nag reply.
Hindi masakit, hindi ako uminom.
Sinong niloko niya? Uminom siya!
Me:
Hoy Trisha nakailang alak ka anong di uminom?Tumatawa-tawa pa ako habang naghihintay ng reply. Kahit na kalahating mata ko lang ang bukas ay malinaw ang isip ko ngayon at naalala ko ang lahat.
From: Lennon
Open your door. It's Lennon.Bigla akong napadilat at napatayo sa nabasa ko. All this time ay si Lennon ang katext ko?!
I read the contact name at gusto kong magpakain sa lupa nang mabasa ko na hindi iyon si Trisha!
Magkasunod kasi ang latest message nila sa akin at 'di ko naman napansin na conversation namin ni Lennon ang na-open ko!
Nagpunta na ako sa pinto at natanaw ko naman agad si Lennon sa may labas ng gate nang buksan ko ito. Para bang biglang nawala ang sakit ng ulo ko nang makita ko siya at napalitan ito ng matinding kaba.
Pumasok kaming dalawa sa loob ng apartment ko. Sa may couch ako dumeretso, sumandal ako habang pinamamasdan ko si Lennon na maglakad papunta sa kusina. Kumuha ito ng baso roon na may lamang tubig bago niya ito pinatong sa ibabaw ng table sa kitchen.
"Take your medicine here." He signalled me to come to him.
Nang mapansin niya na hindi ako kumikilos ay humakbang siya papunta dito sa akin saka niya nilahad ang kamay niya na para bang hinhingi nito ang akin.
"Stand up, Corine. You need to take your medicine, masakit ang ulo mo, 'di ba?" taka niyang tanong.
Tumango ako. Nakakahiya at nabasa niya pa ang text ko! Para kay Trisha kasi dapat iyon, eh!
"Hindi pa ako kumakain, baka sumakit ang tyan ko."
His lips parted. Tinignan niya ang buo kong itsura bago kumunot ang kanyang noo.
"Okay, just wait here. Matulog ka muna ulit dito sa sofa kung gusto mo," maingat niyang sabi.
Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso nito. Mabilis siyang lumingon sa akin bago niya ibaba ang tingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/166842180-288-k880758.jpg)
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...