Chapter 5

374 22 0
                                    

CHAPTER 5

"I'm taking everything slowly! Kaya nga ang sabi ko ay kikilalanin ko pa siya."

"Okay, then. I'm just reminding you that Ramsey is a flirt."

"How did you even know? Kilala mo ba siya?"

Baka mamaya ay nang ti-trip lang si Lennon.

"I don't know him personally, but that's his title. The lover boy of mechanical engineering department."

"Really? Eh sino naman sa C.E department? H'wag mong sabihin ikaw yon, Lennon?" Nagtataka kong tanong.

Kung mayroon sa M.E, malamang ay mayroon din sa C.E! Kahit na impossible dahil tahimik lang si Lennon at walang social life ay hindi ko naman alam ang personal na buhay niya. He barely share anything in our group, wala akong alam sa personal na buhay niya bukod sa taga Bataan talaga siya at dumayo lang dito sa Manila para mag aral.

Lennon is good looking, I mean, gwapo talaga siya. Marami rin ang may gusto sa kanya pero hindi niya 'yon pinapansin, pero 'di ko rin sure kung hindi niya talaga pinapansin... Baka pa-sekreto niya lang na pinapansin? Oh my gosh, ano ba 'tong naiisip ko.

"I'm not..." He paused. "...isa lang ang nagugustuhan ko."

Pagkatapos ng huling sinabi ni Lennon ay pinaandar na niya ang motor bike. Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan na isipin ang huli niyang sinabi.

May gusto siya?

Kanino naman?

Alam kaya nila Axle kung sino? Kapag alam nila ay ang daya nila!

Gusto kong batukan ang sarili ko. That's none of my business! Hindi ako chismosa.

Damn. I'm so curious.

Fine, minsan chismosa ako.

"Sino ang crush mo?" Iyan ang una kong tanong nang makarating kami sa school.

Naglalakad kami ni Lennon sa may hallway kaya napatigil siya at nilingon ako. Amusement flashed on his face, he slightly tilted his head while looking at me kaya naman mas lalo pang nakita ang pagkahubog ng panga niya.

"Curious?" he asked trying to stifle a smile.

Tumango ako. Obviously! Ano naman kung curious ako? Dapat lang na updated ako sa buhay ng mga kaibigan ko.

"Maybe I'll tell you next time."

"Bakit next time pa?"

"Hmm..." he paused, "basta."

Hindi ko na lang siya sinagot dahil baka isipin niya ay ganoon ako ka-curious sa nagugustuhan niya. Sa susunod nga ay isesekreto ko rin muna sa kanila ang makakafling ko para sila naman ang ma-curious.

Nang makarating kami sa room ay nandoon na sina Trisha at Liam. Nakapabilog sila habang may sinasagutan sa notebook.

"Nandito na pala ang magkapit bahay."

Gusto kong sabunutan si Liam dahil ang lakas ng boses niya at halos isigaw niya na 'yon sa buong classroom. Napatingin tuloy ang iba naming ka-blockmates.

Like A Raindrop (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon