CHAPTER 10
'Ways to Prevent liking your friend.'
Naubos ko na yata ang ang oras ko sa ka g-google ng sagot sa tanong kong 'yan. Pagkagaling ko sa Dorensyo ay nag stay na ako dito sa lounge. Buong vacant ay inabala ko ang sarili ko sa mga school works na dapat gawin.
Hindi ko pa siya gusto, kaya nga pipigilan 'di ba?!
Different articles gave me different answers to my question. But I've noticed that all of them have one in common. . .
It is to keep yourself distance.
Aside from that I remembered that he told me before that he liked someone. I even forced him to say it but he just said that he will tell it to me next time.
Bakit ba ngayon ko lang naalala ang mga 'yon?!
It means, may nagugustuhan siya. Sapat na rason na 'yon para dumistansya ako sa kanya.
Good thing, hindi ko pa siya gusto. Nasa 0% pa!
"Found you."
Nag angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Kung kanina ay payapa akong nakaupo dito sa lounge, ngayon naman ay para akong nakakita ng multo nang matagpuan ko na lang si Lennon na nakatayo sa harap ko.
"I was looking for you, Corine. Pagkatapos ng lunch bigla ka na lang nawala," he said in a baritone.
Pinunasan niya ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo. Pansin ko rin na medyo magulo na ang kanyang buhok at pinadausdos niya ang kamay niya roon upang ayusin.
"Ah..." I laughed nervously. "Ano, may ginawa lang."
I thought he was going to ask more but good thing he just simply smiled and nodded.
"I bought you this."
Nagulat ako nang bigla niyang inabot sa akin ang isang avocado shake. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko iyon kuhanin.
I sighed.
Fine. Siguro mga nasa 2% lang ang pagkakagusto ko.
Safeguard lang katapat nito.
"Bakit mo ko hinanap? May kailangan ka ba?" tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko.
I hid my smile when I tasted the avocado shake. Namiss ko 'to. Ang tagal ko nang hindi nag avocado.
Umiling 'to. "Wala naman."
Pinaglaruan ko ang kamay ko bago nagsalita.
"Sige, wait lang, ha. May pupuntahan lang ako. May inaasikaso kasi ako." Binaba ko ang avocado shake sa lamesa saka ko mabilis na niligpit ang mga gamit.
"Where? Can I come with you?"
"Hindi, eh."
Bahagyang kumunot ang kanyang noo.
"Okay, I understand. Go to the classroom before 3:30. Si Mr. Yranod ang prof mamaya, baka ma late ka. Take care, Corine."
I smiled a little, but I felt like it turned out to be an awkward smile. "Okay."
Dahil wala naman talaga akong pupuntahan ay hindi ko talaga alam kung saan ako dapat tumambay. Inubos ko ang avocado shake bago ako nag decide.
Ang ending ay nandito ako ngayon sa may Jollibee sa labas na ng University. I ordered yum burger since medyo busog pa ako dahil kumain naman ako kanina ng lunch sa Dorensyo. May masabi lang na may binili ako.
Hawak ko na ang order at naghahanap na lang ako ng bakanteng upuan nang may tumawag sa akin
"Corine!"
![](https://img.wattpad.com/cover/166842180-288-k880758.jpg)
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...