CHAPTER 20
I got swayed by my emotions and I didn't even think of Lennon's side. Pagkatapos kong marinig ang dahilan niya kung bakit niya iniiwasan ang topic na 'yon ay para akong natauhan.
I am wishing to have a man and not a boy, but when I had one, I took it for granted.
Lennon is very mature. He's rational by thinking what could be the outcome of that certain decision, unlike me... na padalos-dalos na lang sa mga desisyon sa buhay. I was being impulsive and I am now admitting it.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko ihaharap ang sarili ko sa kanya ngayong araw.
Pag mulat ko pa lang ng mata ko ngayong umaga ay agad ko nang kinuha ang cellphone ko para mag type ng message sa kanya.
Me: Mauna ka na sa school, I wanted to be alone.
I wanted to reflect on my actions, that's why I decided to go to school alone. It's not like I don't want to see Lennon, more like I am embarrassed to show myself in front of him after what I've said yesterday. I can't afford to pretend that nothing has happened between us when it's clearly my fault.
"Nakagat ba ng ipis 'yang mata mo?"
Napahawak ako sa gilid ng mata ko matapos punain iyon ni Trisha. Mabilis ko tuloy kinuha 'yung compact mirror ko sa bag at chineck ko 'yung mata ko at maga pa rin nga ito!
I cried yesterday night and maybe that's the reason why my eyes are swollen. I already saw it earlier but I didn't know that it will last until this hour. Dapat pala ay nag suot ako ng eyeglasses kung alam ko lang na hindi ito basta-basta mawawala.
I covered my eyes using my hand. Tinanggal ko rin ang pagkakakawit ng wavy kong buhok mula sa aking tenga para matakpan ang mukha ko.
"Hindi, langgam ata ang nakakagat," I reasoned as I averted my gaze away from Trisha.
Hinawi ni Trisha ang buhok ko at lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin para makita ang itsura ko.
"Ano ba, Trish.." saad ko sa kanya.
Ngayon ko lang hiniling na sana dumating na agad 'yung professor namin para hindi na mag usisa itong si Trisha. Mabuti na lang at busy sina Axle at Liam sa pag kukwentuhan kaya hindi na sila sumabat sa usapan naming dalwa.
"Teka, titignan ko 'yung mata mo. Ang weird naman kung langgam ang kumagat diyan. Both eyes talaga?" Hindi pa makapaniwala si Trisha.
"Duh? Pakialam mo ba sa langgam. Okay nga 'yon e, para pantay!"
Bahagyang lumayo si Trisha sa akin at pinanliitan ako nito ng mata. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero hindi pa rin ako nakatakas sa mapanuri niyang mata.
"Oh my goodness," she gasped. Lumapit ulit sa akin si Trisha at nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.
"Trisha..." usal ko dahil bahagya akong nasasakal sa yakap niya.
"Shh... It's okay, bebe Corine. You can cry all you want. Nandito lang ako, ha." She tapped my back and caressed my hair.
Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Kapag kasi inaalo ako ay mas lalo pa akong naiiyak. Nakakainis!
"Trisha..." I cried.
"Okay lang 'yan, umiyak ka lang.."
Para akong bata na umiiyak sa aking aking kaibigan. Hindi ko mapigilan na manumbalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi.
Alam kong mali ako at mali rin ang mga nasabi ko kay Lennon kaya ngayon ay halo-halo na ang nasa utak ko. It's now full of what ifs.
What if Lennon suddenly realized that I am such an immature woman and I am no good for him?
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomansaCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...