CHAPTER 9
"Lennon!"
I saw Lennon closing his gate. Agad ko siyang tinawag at ganoon na lang kabilis ang pag angat niya ng tingin sa akin, bakas sa mukha ang pagkabigla.
"Papasok ka na sa school?" I asked.
Nag tungo siya sa kanyang motor. "Sasabay ka?" Maingat niyang tanong.
Mabilis akong tumango sa kanya at nagtungo papunta sa motor bike. Inabot niya sa akin ang isang helmet at sinuot ko naman iyon agad.
"Nag deact ka ba ng IG?" Hindi ko na napigilan na itanong 'yon sa kanya.
He was caught off guard. He looked away and furrowed. "Baka ma-late tayo, tara na."
Napanguso ako. Ang sungit! Nagtatanong lang, eh.
Sumampa na ako sa motor at kumapit sa balikat niya, binuksan ko pa 'yung visor ng helmet dahil baka hindi niya ako marinig.
"Nawala kasi bigla 'yung IG story mo kagabi."
Pinaandar na niya 'yung motor at medyo mabilis iyon kaya napakapit ako sa kanyang bewang. He stiffened a bit but I just ignored it, dahil lagi naman siyang ganoon tuwing kakapit ako sa kanya at simula noong lumipat ako ay sinasabay na niya ako sa motorbike papasok sa school.
"Huy? Nag deact ka ba?" I asked him again dahil hindi nito sinagot ang tanong ko kanina.
Naramadaman ko na mas lalo pang bumilis ang pagpapatakbo niya kaya mas lalo pa akong napakapit.
"What? I'm sorry I can't hear you enough," he said almost shouting, pero hindi ko rin 'yon masyadong narinig dahil sa bilis ng takbo namin.
"Ang sabi ko nawala bigla 'yung story mo, pati 'yung account mo nawala kagabi."
"I can't hear you, Corine... Sorry."
"H'wag na nga!" Sigaw ko pabalik. Naubos na ang pasensya ko.
Hanggang sa makarating kami ng school ay hindi ko na tinanong si Lennon tungkol doon. Ayoko na lang stressin ang sarili ko sa bagay na 'yon.
He just called me beautiful, wala namang masama roon?! And why am I even thinking about it?! Gusto kong batukan ang sarili ko dahil buong klase ay lumilipad ang isip ko.
I don't even know why my heart was beating so fast whenever I remembered that non-existing IG story of Lennon. Hindi ko nga alam kung totoo o ilusyon ko lang iyon.
Noong lunch break ay nag desisyon kaming magkakaibigan na sa Dorensyo na lang kumain. Sa labas lang kasi 'yon ng University namin at sobrang mura lang ng mga pagkain, tapos mabilis pa 'yung service nila, pang masa 'yung ulam. Isa 'to sa pinipilahan na karindirya. Sakto naman na nagmamadali kami dahil may kailangan pa kaming aralin para sa quiz mamaya.
"Tortang talong sa akin, sa inyo ba, ano?" tanong ko kina Trisha habang nakapila kami.
Bahagya silang sumilip para tignan ang mga ulam. "Sisig ako."
"Tao ka, Trisha," seryosong sabi ni Axle.
"Oo pero pag nakikita kita nagiging dragon ako."
"Ako rin torta," sagot naman ni Lennon.
Sumulyap ako sa kanya bago ibaling ulit ang tingin ko sa mga ulam.
Akala ko ay hindi na ulit mapaguusapan 'yung tungkol sa IG story ni Lennon pero nang makaupo kami pagkatapos namin bumili ng pagkain ay agad naman brining up ni Liam 'yung topic.
"Hoy! 'Yung binura mo kagabi, nakita ko 'yon." Tumatawa-tawa pa si Liam habang hawak ang kutsara't tinidor.
Magkatabi kami ni Trisha tapos nasa harapan namin 'yung tatlong lalaki kaya kitang-kita ko ang expression ng mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...