CHAPTER 13
"Wow! Hindi man lang kayo nang aaya."
"Biglaan ba 'yon o plinano niyo?"
Sunod-sunod ang naging tanong ni Trisha at Axle. Hindi ko sila masagot dahil pati ako ay ngayon ko lang din 'yon nalaman.
Isasama ako ni Lennon sa Bataan?!
"Gano'n talaga! H'wag na kayo mag tanong d'yan! Tara't magsiuwi na tayo!" Tumayo na si Liam bitbit ang bag niya habang tinutulak palabas ang dalawa naming kaibigan, pero bago pa man siya maglakad ay nilingon niya kami ni Lennon at pinanliitan ng mata. "Ako nang bahala magpaliwanag sa mga 'to," aniya.
Tumawa ako habang umiiling. Kung makapag react si Liam ay parang may tinatago kaming relasyon ni Lennon?!
"Oo na! H'wag mo kong itulak palabas kikiss pa ako kay Corine, eh!" Pag pupumiglas ni Trisha bago siya tumakbo papunta sa akin.
Nang makarating ang babae sa tapat ko ay niyakap niya ako at bineso.
"Enjoy your vacay, Corine! Kapag may problema i-text or tawagan mo ako, ha!"
Umirap ako sa kanya at ngumuso. "Gaga! May pasok pa bukas, magkikita pa tayo."
"Half day lang 'yon! Kikiss ulit kita bukas!"
Umakto ako na parang nandidiri kaya hinila niya bahagya ang buhok ko.
"Arte!"
Naghampasan at nagtawanan na lang kami ni Trisha. Sabay na rin kaming naglakad sa may hallway at naghiwalay lang kami nang pupunta na siya sa isang gate palabas habang ako naman ay sumunod na kay Lennon papunta sa parking.
Bago ako sumakay ng motor bike ng lalaki ay nag tanong muna ako sa kanya.
"Tama ba 'yung dinig ko kanina sa room?" I laughed nervously.
He gently put the helmet over me. "About the Bataan?" Mahinahon niyang tanong.
I nodded like a puppy.
"Yup," he paused, para bang hinihintay niya ang magiging reaksyon ko. "You heard it right. . . But still, the decision is still yours. . ." He cleared his throat. "Gusto mo bang sumama?"
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Sa tingin ko ay agad iyong napansin ni Lennon kaya sumagot na ulit siya bago pa ako magsalita.
"I'm sorry... Nabigla yata kita kanina--"
Before he can even finished his sentence ay nagsalita na ako.
"Sasama ako!" I bit the inner of my lower lip. "Basta, libre ang pagkain," I joked to ease the tension between us.
Sa Myerkules ay wala na kaming pasok at ang susunod na balik namin ay sa Lunes na. Napag usapan din ng grupo namin na pagkatapos na ng Undas break saka namin ipagpapatuloy ang thesis. Sigurado akong mabobored ako sa apartment kung mag isa lang ako.
"Iyon lang ba?" Lennon chuckled. "Tatawagan ko na si mama para makapag ready na ng mga ingredients. Tell me, what do you want to eat?"
My eyes widened. "Joke lang!" agad kong pigil sa kanya. "Nakakahiya 'wag mong gagawin 'yon!"
Lennon slightly bit his lower lip trying to prevent himself from laughing so hard. Nakatingin siya sa akin na para bang nagugustuhan niya ang pang iinis.
"I'm sure the two of you will get along together," he said.
I wrinkled my nose. Nahihiya ako tuwing iniisip ko na makikita ko ang pamilya niya. Baka mamaya ay isipin nila na girlfriend ako ng anak nila dahil dinala niya ako roon?!
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
Roman d'amourCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...