CHAPTER 3
Pagkatapos ng huling sinabi ni Lennon ay wala nang nagsalita sa amin. Sumakay na siya sa motorbike bago niya ako tignan. Tinapik niya ang likuran nito na para bang pinapasakay na niya ako roon.
"Are you just going to stand there?" masungit niyang tanong sa akin.
Natataranta tuloy akong sumakay sa motor niya at nagkabungguan pa ang helmet naming dalawa.
Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil hindi naman ako madalas sumakay ng motor.
"Lennon, bagalan mo lang ha.." I warned him while fixing my position. Kumapit ako sa laylayan ng uniform niya.
"I will.." pinaandar niya ang makina. "..please hold tightly."
Napangiti ako nang mapagtanto ko na mabagal nga ang naging andar namin. Kumalam din bigla ang sikmura ko kaya nagsabi ako kay Lennon na dumaan muna kami sa isang fast food chain.
"Gusto mo ba sa Jollibee?" he asked me. Mahina lang iyon dahil nakasuot siya ng helmet pero naririnig ko pa rin naman.
"Sure!"
Dumaan kami sa may Jollibee. We supposed to just drive thru but I told him that I don't want to eat in my parent's house. I'm glad he didn't ask me why, I am too tired to tell him my reason.
"Libre ko na," sabi ko tapos inabot ko sa kanya 'yung pera.
"Ako na," aniya.
"Ako na nga. Nauna ako 'di ba?" Inirapan ko siya.
I heard him chuckled but before I reacted ay tapos na agad siyang tumawa. Ang bilis naman ng transition niya.
I just ordered fried chicken with rice. May tubig ako sa bag kaya hindi na ako nag order ng soft drinks. Si Lennon naman ay Jollie burger at burger steak with rice ang sa kanya.
"Wala kang drinks?" tanong niya sa akin habang nilalagay nito ang burger steak sa kanin.
"May tubig ako sa bag."
Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. I raised my brow giving him the 'why are you looking at me' look.
"Do you want me to get you an avocado juice?" seryoso ang pagkakasabi niya.
My lips parted. Mabilis akong umiling. Saan naman siya kukuha non?!
"How about avocado shake?"
"H'wag na. Saan ka naman hahanap non? Saka gabi na," sabi ko.
"I was just asking. I'm not forcing you, though."
Tahimik lang kaming kumain bago namin napag desisyunan na lumabas na mula sa Jollibee. Nag take out pa siya ng tatlong yum burger. Hindi pa ba siya nabubusog doon sa kinain niya kanina? Hindi ako aware na ganoon pala kahilig sa burger si Lennon.
"Hanggang bukas mo na 'yan." Tinuro ko ang supot ng yum burger na tinake out niya.
Tumama ang tingin niya doon. "These are not mine."
"Oh..." napahiya ako doon. "Eh kanino? Sa parents mo?" Sunod-sunod ang naging tanong ko kahit alam kong nasa Bataan ang parents niya dahil taga doon talaga siya. Malay mo naman ay bumisita kay Lennon!
Inayos niya ang motor niya. Kinuha niya ang isang helmet. Ang akala ko ay ibibigay niya sa akin iyon kaya inextend ko na ang kamay ko sa kanya pero nagulat ako nang siya mismo ang nagsuot non sa akin. It was slow and gentle. He looked at me for a few seconds then a little smile flashes his face.
"Sa mga working guard doon sa village ng apartment na tinutuluyan ko." Sinara niya pababa ang visor ng helmet ko.
"Mahal ba 'yung apartment mo? Nasa loob ng village?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...