CHAPTER 6
Boys' egos sometimes depend on girls. They will do everything to win their heart, but once it happens they tend to take advantage of it-- they only want to win a girl's heart not because they genuinely love them, it's because it's the food for their hungry ego, they only do that to compete and outdo the other boys.
Gaya na lang ni Ramsey. Nang makauwi ako sa apartment ay sunod-sunod ang text na nareceive ko.
From: Ramsey
Corine may iba ka pang kikitain bukod sa akin?From: Ramsey
Akala ko ako lang?From: Ramsey
Let's meet tomorrow.From: Ramsey
Corine, Are you seeing other guy than me?Napakunot ang noo ko sa mga nabasa ko. Sa tingin ba niya ay papayag pa rin ako na makipag kita? Manigas siya diyan!
Pagkatapos kong mabasa ang lahat ng mga walang kwenta niyang messages ay blinock ko na ang number niya.
I need no boy, I want a man.
Kinabukasan araw ng Biyernes, sinabay ulit ako ni Lennon sa pagpasok sa University. Naiba ang schedule namin, ala una pa ang klase, may iba pang gumagamit ng room namin dahil wala pa namang ala una kaya sa lounge muna kami tumambay kasama ang barkada.
"Bakit ka may dalang hamster?" tanong ko kay Axle nang makita na nilalaro niya iyon.
Sumulyap siya sa akin bago niya ibalik ang tingin sa hamster.
"Wala lang, trip ko lang," malapad ang ngiti niyang sabi.
Lumapit ako doon sa hamster niya at pinicturan ko ito. Ang cute kasi nung pisngi.
"Anong pangalan?" tanong ni Trisha.
"Liam," sabi ni Axle.
Agad namang nag react itong si Liam at binatukan ang lalaki. "Bugok ka!"
"Totoo ba?" natatawa kong sabi, hindi naniniwala.
"Gagi joke lang, bakit ko naman ipapangalan kay Liam 'to, mamaya maging magkamuka pa sila."
"What's the name, then?" Si Lennon.
"Jinji," he said.
Tumango ako at pinanood ang hamster habang tumatakbo sa parang circle na laruan nito sa loob ng kanyang bahay nang may maalala ako bigla.
"Huy, Liam akala ko ba may kakilala ka na interested sa kotse ko? Sinend ko na sa 'yo kagabi 'yung picture, nakita mo na ba?" Sunod-sunod kong tanong.
Nilabas ni Liam ang cellphone niya para i-check ang message ko. Malamang ay hindi pa niya 'yon nababasa!
"Ay gastig! Nakalimutan ko, sige sige sesend ko na ngayon. Foforward ko 'yung mga pictures tapos pag interested ipapakausap ko sa 'yo."
"Sige, sure 'yan ha? Pag bumili 'yung kakilala mo lilibre kita sa Jollibee."
"Gagi ito na tatawagan ko na." Nagtawanan kami nang parang nataranta si Liam. Nalaglag pa ang cellphone sa lapag.
Nang malapit na mag ala una ay sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa building ng department namin. Tumabi sa akin si Trisha at inangkla niya ang braso niya sa braso ko.
"Kamusta ang date?" curious niyang tanong sa akin.
Umiling ako. "H'wag mo nang tanungin."
"Bakit? Anong nangyari?"
"Hindi sumipot," tipid kong sagot.
Nanlaki ang mata ni Trisha at bahagya pa siyang napatigil sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...