Chapter 8

329 24 1
                                    

CHAPTER 8

"Ayan na! Ayan- Bwisit! Binitawan pa! Maduga!" Sigaw ko nang makita ko na binitawan ng claw machine 'yung plushie na sinusubukan kunin ni Lennon.

"Ang ingay kasi nitong si Corine. Nadistract si Lennon."

Sinamaan ko ng tingin si Trisha. "Wow nahiya 'yung matinis mong tili, ha."

Bahagya itong tumawa. Pamaya-maya ay si Liam naman ang nagsalita. "Ganyan talaga 'yan, ganado porket binilan ng bagong tsinelas."

Agad naman akong natahimik. Nakakahiya! Baka kung ano pang isipin nila dahil ako lang ang binilhan ni Lennon ng tsinelas, kanina pa nila kami inaasar tungkol doon. Naiilang tuloy ako.

"Tignan mo, ang magic word natin kay Corine ay tsinelas... tatahimik 'yan bigla."

Kulang na lang ay bumaligtad na ang mata ko sa pag irap. "Tigilan niyo ako."

"Bonak talaga nitong si Lennon, eh. May favoritism. Ba't mo ba biglang binilan ng tsinelas si Corine? Malayo pa birthday niyan, ah." usisa ni Liam.

Sumulyap ako kay Lennon na ngayon ay bahagya lang na nakangiti. I slightly raised my brow, bakit parang masaya pa ang isang 'to?!

"Basta," tipid nitong sagot.

"Hayaan mo na, Liam. Mabait naman talaga si Lennon sa lahat. H'wag mong lagyan ng meaning.. tanga nito nasa iisang circle of friends lang tayo, walang talo-talo," natatawa na sabi ni Trisha.

Right, tama si Trisha. Nasa iisang grupo lang kami. Lennon was always kind to everyone and it just happened that I needed his help earlier. Sigurado rin naman ako na kung si Trisha, Liam o Axle man ang sumakit ang paa ay bibilhan din niya ang mga ito ng tsinelas.

Napailing ako at bahagyang natawa sa sarili. Sino ba naman kasi ang kinukumbinsi ko?

Dapat ay magtatry pa ulit si Lennon sa claw machine dahil mukang desidido talaga siyang makuha 'yung mickey mouse na plushie pero pag balik namin doon ay marami ng highschool student ang naglalaro. Lumabas na lang kami mula sa arcade para hintayin si Axle.

"Oh, ayan na pala si Mayor! Napakatagal mo! Anong oras na?!" Sinalubong ni Liam si Axle.

"Traffic. Wala akong masakyan na jeep kaya nag grab ako pabalik."

Napansin namin na mukang may malalim na iniisip si Axle kaya hindi na namin inusisa kung bakit ngayon lang ito nakarating. Pero maya-maya ay nakangiti na ulit ito sa amin.

Kumain kami sa may food court pagkatapos non ay dapat uuwi na kami pero nagyaya si Trisha.

"Photoboot tayo. Gusto n'yo ba?"

"Ay! Alam ko 'yan. 'Yung may mga props? Tara! G ako!" Na eexcite kong sabi. Pumapalakpak pa.

We went to life four cuts. Matagal na namin 'to gustong itry pero palagi na lang hindi natutuloy dahil karaniwan ay dahil sa hectic na schedules.

Each person can choose maximun of three accessories before entering the studio. Ang cute nga, eh-- may nga headbands doon na may tenga, tapos may mga sumbrero rin at sunglasses na sobrang cute ng designs, parang lahat 'yon gusto ko kaso hanggang tatlo lang.

Namimili ako ng mga props na gagamitin ko nang mapansin ko na nasa gilid ko si Lennon. Bahagya akong napatitig sa kanya nang makita ko ang seryoso niyang muka na namimili ng props. Parang lahat ng pinipili niya ay parating isang malaking desisyon. Naalala ko na naman noong nasa restaurant kami sa Délicieuse- namimili siya noon ng pakain sa menu pero seryoso rin ito na kala mong nakadepende sa pagkain ang kinabukasan niya.

I actually found it interesting how he always put his thoughts in everything he did.

"This one looks like you." Kinuha niya 'yung shark na sinusuot sa ulo tapos ay inilagay niya 'yon sa tabi ng muka ko. "Wow, the resemblance is uncanny." He chuckled while looking at me.

Like A Raindrop (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon