Chapter 11

325 29 2
                                    

CHAPTER 11

His last words feels like an echo. Kahit nang nakauwi na siya sa kanyang apartment ay nanatili pa rin ang sinabi niyang iyon sa akin.

Kung gano'n ay. . . napansin niya rin pala na hindi kami gaanong nagpapansinan noon.

I stared at my ceiling while lying down on my bed, remembering where I started to notice it.

I was so hungry that time because I refused to eat breakfast at home, hindi ko alam kung may super powers ba si Lennon pero siya ang unang nakahalata na nagugutom ako nung oras na 'yon.

"You didn't eat breakfast, did you?"

Nilingon ko ang lalaking nakadungaw sa akin. May isang pagitan ang espansyo naming dalawa dahil napapagitnaan namin si Axle. We were on our first year of college, third day of class with our subject Art Appreciation.

"Bakit?" Taka kong tanong dito.

"Tara, kain?" Kunot noong tanong sa akin ng lalaki.

I looked at my wrist watch. Thirty minutes nang late ang instructor namin, this will be our first meeting at siguro naman ay wala pang ipapagawa.

"Sure." I gave him my sweetest smile as an appreciation.

Kahit na mabigat ang loob ko noong araw na 'yon bago ako umalis ng bahay ay kahit papaano gumaan iyon nang may mag aya sa akin na kumain.

But then. . . Pag balik namin ni Lennon sa room ay sarado ang pinto. It was locked! Pinagsaraduhan kamk ng instructor namin.

We tried to reach for our instructor but she marked as an absent! May ginawa ring activity noong araw na 'yon pero hindi kami nakapag pasa dahil sa kumain kaming dalawa ni Lennon sa labas.

At sa tingin ko ay doon nagsimula ang pag iwas niya sa akin. Noong ma-late kami! Pakiramdam ko ay nainis siya sa akin dahil inabsent kami ng instructor namin.

I laughed at my own thoughts. Mababaw man pero iyon talaga ang sa tingin kong dahilan.

And now, with what I heard from Lennon, I think I should just have go with the flow. Maybe I was just thinking that I like him but it's really not. Hindi ko pa siya gusto, bakit ako iiwas? I don't want to ruin our friendship just because of it.

Apat na taon bago kami maging magkasundo, hindi ko dapat iniisip ang ganoong bagay. Kaya naman nang dumating ang araw ng bukas ay tinanggal ko na sa plano ko ang pag iwas sa kanya.

"Pagod na pagod na ako sa thesis. Ayaw niyo bang mag Nightlife?" Tanong ni Trisha.

"Hoy! Gusto ko rin!" Saad ko habang kinukuha ko 'yung bag ko mula sa upuan.

"Sabi na nga ba't ikaw 'yung unang papayag."

Tumawa ako bago ko lingunin sina Liam na ngayon ay walang kaimik-imik. Dati naman kapag binanggit ang Nightlife ay siya pa 'tong unang papayag.

"Huy tahimik mo? Sasama ka?" Siniko ko siya.

Para namang nagulat siya sa ginawa nang lingunin niya ako.

"Broken 'yan, 'wag niyong inaano 'yang si Liam baka maiyak."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Axle. Tinignan ko siya dahil nasa likuran ko ito tapos mukhang seryoso na nang aasar. Hindi ko mabasa dahil parang nag pipigil pa ng tawa.

"Huh? Kanino?" takang tanong ni Trisha.

"Kay Ceri," iling na sabi ni Axle.

"Sino 'yon? Saka kada department may crush ka 'di ba, Liam? Edi lipat ka na lang sa ibang department kung binasted ka nung Ceri."

Like A Raindrop (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon