CHAPTER 2
"Lennon saan ka mag la-lunch?" Nakangiti kong tanong kay Lennon habang nagliligpit ako ng gamit na nasa arm chair ko.
He looked so confused while looking at me. Tinaasan niya ako ng kilay. Sinukbit niya ang isang strap ng bag niya sa kanyang balikat nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Si Trisha kasi ay kasama si Dominic mag lunch. Si Axle at Liam naman ay may pinuntahan sa ibang department.
"Dorensyo," aniya. May halong pagtataka pa rin ang boses. Parang na wi-weirdohan na siya sa akin.
Lalabas na sana siya pero humabol ako sa kanya at sinabayan ko siyang maglakad.
"Pasabay," sabi ko. Tumigil siya nang bahagya at tinignan niya ako na para bang labag na labag sa loob niya ang ginawa ko. "Bakit?" nakangiti kong tanong.
Kumunot ang kanyang noo.
"Wala," tipid nitong sagot.
Ang sungit. Akala mong hindi friends! Kung hindi ko lang kailangan ng apartment ay kakain ako mag isa. Nag c-crave pa naman ako sa KFC ngayon.
Nang makarating kami sa Dorensyo ay dagsaan na ang mga estudyante, mabuti na lang at nakahanap kami ni Lennon ng table na mauupuan at sakto lang 'yon sa aming dalawa.
Nang maka order na kami ng food ay nag umpisa na kaming kumain. Gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa apartment pero nag hahanap pa ako ng tyempo.
Tinignan ko siya habang kumakain ito. He opened his coke zero tapos ay uminom siya doon at sa kalagitnaan nang pag inom niya ay napatigil siya nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya.
"What?" he raised his brows. Hindi masyadong nakalayo ang soda in can sa labi niya.
Nangalumbaba ako. "We've been friends for four years pero narealize ko lang na ngayon lang kita nakasabay na kumain mag isa."
Binaba niya ang soda in can sa lamesa. He was caught off guard by my statement, he even cleared his throat.
"Hmm..." He nodded. "...and?"
Kinuha ko ang avocado juice na nasa tabi ko at sumipsip ako doon.
"This will be our last year in college, tapos hindi pa tayo close..." Binaba ko ang avocado juice sa gilid at saka ako tumuwid ng upo. "...what if kausapin mo 'yung landlord sa apartment na nirerentahan mo? Then sabihin mo na may nangangailangan pa ng apartment? Close kayo balita ko, eh. Baka naman?" tinaas baba ko ang kilay ko.
Umangat ang gilid ng ng labi niya na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Bahagya pa siyang napailing.
"Anong connect non, Corine?"
Gets ko na kung bakit hindi kami close. Ang hirap kausap!
Napairap ako pero pinilit ko pa rin na ngumiti sa harap nitong si Lennon.
"Magiging magkaibigan tayo, like ayaw mo ba non?"
"You've just said that we're friends for four years.." he uttered in monotone.
Ngumuso ako. Ilang segundo lang ang nakalipas ay may naisip na naman ako na sasabihin sa kanya. Para bang nag liwanag ang mukha ko kaya nginitian ko ito nang bukal sa puso.
"Oh! Iyon naman pala! Friends help each other! Kaya dapat kausapin mo 'yung landlord niyo!"
"Like what I've said yesterday, pag iisipan ko pa."
Sumubo ako ng kanin dahil wala na akong maibato sa sinabi niya. Naisip ko na kung may alam lang ako na friendship quotes ay sinabi ko na 'yon sa kanya.
Tama!
![](https://img.wattpad.com/cover/166842180-288-k880758.jpg)
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...