Chapter 15
Bold of me to assume that he likes me. I shouldn't have ruined the boundaries between us. There's always a thin line between boyfriend, and a boy friend. Always remember that, Corine. Magkaiba iyon!
Inis akong nag martsa pabalik sa bahay nila. Wala na akong pakialam kung makita ako ni Lennon dahil madadaanan ko sila.
Pagdating ko doon ay sinalubong ako ni Lenard kaya agad namang nagbago ang mood ko.
"Ate Corine! Morning!" He said, smiling widely.
I lowered my head to his level. "Good morning, Lenard." Nakangiti kong sabi.
Nagulat ako nang bigla niyang pinakita sa akin ang teks na laruan. May roon 'yon na drawing na dragon ball tapos may number sa gilid nito.
"Tignan mo 'yung pamato ko." Pinagmalaki niya iyon kaya umakto ako na parang amaze na amaze.
"Wow!" I said in exaggerated tone. "Malakas ba 'yan? Kaso parang lukot na?"
Pinitik-pitik niya ang teks na hawak tapos pinakita niya ulit sa akin.
"Malakas 'to, ate Corine! Pamato ko 'to lagi. Pero may secret ako."
I furrowed. "Ano namang secret mo, ha?"
He giggled before he showed me the back of his teks na kaparehong kapareho nang nasa harapan. Magkadikit iyon kaya kahit anong mangyari ay mag mumukhang sa harap pa rin ang bagsak ng teks niya. Wala nga itong talonpag ganoon.
Ngumisi ako sa kanya at bahagyang kinurot ang pisngi.
"Ang daya!" I said while laughing.
He was giggling nonstop until Lennon suddenly came in. Napalunok ako nang magtama ang mata naming dalawa pero hindi gaya kanina ay wala na siyang kasamang babae.
"Corine you're awake, how was your sleep?" Agad niya akong pinuntahan.
Nilingon ko si Lenard pero tumakbo na ito palabas ng bahay para siguro maglaro. Wala din dito sa bahay sina tita Marilou at tito Danilo.
"Maayos naman. Salamat sa pagtatanong." I said coldly without looking at him.
"Good to hear that." Kahit na hindi ko siya tinitignan ay bakas sa tono ng boses nito ang pagkagalak. "Oh... Saka nga pala, I have an avocado here, fresh avocado. Tara sa kusina?"
Nilingon ko siya at inangat niya ang isang puting supot na may laman na mga avocado. He proudly showed it to me na para bang inakyat niya pa ang bundok para lang makuha iyon.
I shook my head. "I don't feel like eating it right now."
Why is he acting like he cares for me when he likes someone else?! Nakakairita siya! Para siyang sinigang mix kung makapag bigay ng mix signals!
Bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya pero ganoon pa man ay nagsalita muli ito. "Later, tell me when you feel like eating it again, hmm?"
Hindi na ako sumagot sa kanya dahil tumayo na ako at naglakad papunta sa banyo. Hindi naman ako naiihi o ano, dito lang talaga ako nag walk out dahil wala naman ako sa apartment. Ayoko naman na pumasok ng kwarto basta-basta.
I rested my arms in the sink. Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin. I really look so upset kaya huminga muna ako nang malalim bago ako nag desisyon na lumabas mula sa banyo pero halos mapaatras ako nang makita ko nandoon pala si Lennon at naghihintay sa akin.
"Ah... I'm just checking on you." Mabilis niyang sabi.
"At bakit?" taka kong tanong.
"I feel like you're not in the mood. Do you want me to call my Mom?"
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...