Chapter 19

225 11 1
                                    

CHAPTER 19

"I've gave you everything, Charlotte! Nakuha mo pa ring umalis sa bahay na 'to?"

My mom's voice echoed in every corner of this house. Pagkatapos kong mabasa ang mensahe ni ate Vilma ay dali-dali akong umuwi sa bahay. Ngayon ko lang ulit siya narinig na magalit kaya hindi ko alam ang gagawin ko. I get it that she was mad at me since I left home without her permission, but I actually don't know what to feel. . .  Dapat ba akong matuwa dahil finally, concern na ulit siya sa akin?

"I'm sorry, mommy." My voice was so small. 

Tinignan ko siya at ngayon ay magkasalubong ang mga kilay niya na para bang hinihintay ang mga susunod ko pang sasabihin. 

Lumipat ang mata ko kay ate Vilma na ngayon ay nakayuko at hindi rin makatingin sa akin. 

I heard my mom's deepest sighed. Inangat ko ang mukha ko sa kanya at ngayon ay ang kanina niyang magkasalubong niyang kilay ay napapalitan na ng pagkadismaya.

"What's your apartment's address?" mahinahon na tanong ni Mommy.

"P-po?" 

Napapikit siya nang mariin at hinilot ang kanyang sentido. Inayos ni Mommy ang suot niyang coat bago magsalita.

"Address, Charlotte. I wanted to know your apartment. Hintayin mo ako sa labas, we are going to get your things from your apartment."

Doon na ako nagulat. This could be the last thing that I want, I don't want her to get my address. My apartment serves as my safe space for a few months and even though she’s my mother... I don't want her physical self to go there. 

The least she could do is to respect my place… to respect my boundaries.

“Hindi p'wede, Mommy.”

Mariin ang paghawak ko sa laylayan ng suot kong itim na jacket, pakiramdam ko ay mapupunit na mga iyon.

"And why not?" Halos pasigaw na iyon. 

Bahagya akong napaatras sa pag taas niya nang boses kaya naman nang mapansin niya ang ginawa ko ay huminga ito nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili.

"Tell me, Charlotte... May hindi ba ako kayang ibigay sa'yo?" Her voice seems so different. Kung kanina ay malakas at nakakatakot ngayon naman ay naging mahinahon na ito. "I provided you all the things that you need; financial, luxury clothes, I even enrolled you to one of the most popular University here in Manila. What else could you ask for? Nagrerebelde ka ba sa akin?"

Mabilis ako na umiling. "N-no, mommy. Hindi ako nagrerebelde." Huminga ako nang malalim. 

"Stupid! Then what do you think you are doing right now? Bubukod ka? For what?"

Nahihirapan akong ipagtanggol ang sarili ko dahil kung sasabihin ko man sa kanya ang rason ng pag alis ko sa bahay na ito ay hindi niya iyon maiintindihan.

"I.. I wanted to be independent," I uttered.

She let out a sarcastic laugh. She shifted her weight to the other side before she shook her head in disbelief.

"And do you think you can? Look at me," mariin niyang sabi. "That's what I wanted to do when I was your age, and what did I get? Your father impregnated me... Ikaw ang bunga."

Tumingin ako sa kanya. I already knew from the beginning that they had me when they were still in college. My Dad continued his study while my Mom had to stop for one year, pero sa dulo ay naka graduate din si Mommy.

"And look at us now, we're now broken up. In short, it didn't work. Kaya 'yung kagustuhan mong maging independent, I will tell you now... Hind mo kaya, Charlotte."

Like A Raindrop (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon