CHAPTER 7
Gabi na nang makauwi ako sa apartment. Kahit na gusto ko na lang humilata sa kama ko ay nagawa ko pang mag book ng tatlong oras na tutor class. Akala ko ay makakatulog na ako pagkatapos non pero iniisip ko pa rin ang nangayri kanina.
Kinuwento ko rin kay Trisha ang nangayri, galit na galit ito kay Icko kaya naman tinadtad niya ito ng mura sa chat at sinabing h'wag magpapakita sa kanya. Sina Axle at Liam naman ay puro kalokohan at sinabing kapag nakita daw nila si Icko ay ilulusot daw nila ang daliri nito sa sirang saksakan ng ilaw. Ang tatapang sa chat pero sa personal baka mag unahan pa sila sa pagtakbo. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi nila.
I sighed when I suddenly remembered Lennon. He warned me about that cheater but I chose to be rude to him. I even told him that he should stop meddling with my dating life.
I suddenly felt bad about it. Concern lang naman 'yung tao pero masyado akong naging rude sa kanya kahapon. Kahit na naging masungit ako sa kanya ay ang bait pa rin niya noong nagkita kami kanina, he even lent me his hand and allowed me to fidget it when I was in the middle of panicking.
Maybe I should give Lennon a peace offering.
As you should, Corine. He deserves an apology!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nagpunta ako sa kusina. Binuksan ko ang fridge at nag tingin ako ng pwedeng lutuin. Hipon lang ang nasa fridge, hindi pa ako nakakapag grocery ulit dahil masyado na akong busy.
Eh paano kung may seafood allergy siya?
Napatigil tuloy ako sa pagkuha ng hipon.
Napailing ako. Feeling ko naman wala dahil nakita ko naman na siya kumain ng hipon dati.
I prepared all the ingredients, ang balak kong lutuin ay sinigang na hipon. Gusto ko sana ay garlic buttered shrimp pero wala naman akong butter.
Nang matapos ko na lutuin ay tinikman ko muna kung ano ang lasa. Napapalakpak pa ako dahil kuhang kuha ang pagkakaluto ko. Kumuha ako ng isang mangkok at naglagay ako doon ng sinigang para ihatid iyon kay Lennon.
Sana magustuhan niya ang luto ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa labas ng gate ng apartment niya. Mabuti na lang at may plato sa ilalim ang mangkok dahil mainit masyado ang sabaw.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang makita ko na mukhang tulog na si Lennon dahil nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Ang tanging liwanag lang ay iyong nang gagaling sa poste at sa apartment ko na siyang katabi ng kanya.
Ang tanga lang, Corine. Malamang alas dose na ng gabi. Hindi mo man lang naisip na baka tulog na 'yon.
"Ngayon kainin mo mag isa 'yan!" I unconsciously said to myself.
I was about to go back inside my apartment. Hawak ko na ang gate ko nang may matanaw akong isang pamilyar na pigura na naglalakad papunta sa direksyon ko mula sa hindi kalayuan. I panicked a little when I found out that it was Lennon. It's funny how I can easily recognized him-- the way he walks, his body built and even his hair. Kahit malayo ay nagawa kong makilala 'yon.
Kinakabahan ako habang papalapit siya pero nagawa ko pa rin na balansehin ang sabaw upang hindi 'yon matapon!
Talented.
BINABASA MO ANG
Like A Raindrop (Lover Series #1)
RomanceCorine and Lennon are both graduating Civil Engineering students that belong to the same circle of friends. Despite being in one group of friends for four years, they weren't close enough and just remained casual to each other. In a group of friends...