Prologue

1.1K 11 0
                                    

"Nay, nandito na po yung tubig."
mahinahon kong sabi kay nanay.

Nakita ko ang padabog na paglabas niya mula sa kwarto na ang tanging nagsisilbing pintuan ay ang kurtina.

"Bakit ang tagal mong dumating!? Saka bakit ang dungis mo ha?"
Sigaw niya sakin.

Pasimple kong hinagod ang magulo kong buhok at nagpunas ng pisngi gamit ang likod ng aking mga palad saka umayos ng tayo.

"Nay, pwede na po ba akong kumain? Gutom---"

"Ha ano!? Letse ka talagang bata ka! Hindi mo pa nga natatapos ang inuutos ko na punuin ang lagayan ng tubig sa banyo. Palibhasa puro laro yang nasa isip mo!"
Bulyaw niya muli sakin.

Tumingin lamang ako sa lapag habang sinesermunan ni nanay.
Kaninang umaga pa ako walang kain dahil ginising na agad niya ako para mag igib sa poso sa may palayan. May kalayuan iyon kaya natatagalan akong makapuno kaya inabot na ako ng ala una ng hapon sa pagiigib at nangangalahati palang ako.

"Hoy Nelia, ginugutom mo na naman ang inaanak ko. Aba kaninang umaga ko pa ito nakikitang nagiigib tapos di mo pa papakainin!?"
Biglang singit ni ninang Amy.

Nakita kong may bitbit itong basket na laman ay mga gulay.
Napangiti ako ng masilayan si ninang.

"Halika gwen at doon ka na kumain muna sa'min."
Kinuha ni ninang ang payat kong braso at inaakay palabas ng bahay.

"Ayan! Kaya lumalaki ang ulo ng batang iyan kasi kinukunsinti mo rin Amy!"
Dinig ang sigaw ni nanay hanggang labas ng bahay.

Narinig ko ang asik ni ninang at nagpatuloy lang kami sa paglalakad patungo sa bahay nila.
Mabait ang ninang ko at siya lang ang tanging sandalan ko sa oras na ayaw ako pakainin ni nanay. Alam ko naman na mahal ako ni nanay, siguro ito lang ang paraan niya para disiplinahin ang batang paslit na tulad ko.

"Oh kumain ka ng mabuti ha, wag mo na munang intindihin yung nanay mong yun. Damihan mo para magkalaman ka naman."
Sabi ni ninang habang patuloy akong sinasandukan ng ulam na adobo sa pinggan ko.

Mamaya kailangan kong ipagpatuloy ang pag iigib ko kaya dapat damihan ko ang kain ko para meron akong lakas at di na ako mapagalitan pa ni nanay.

"Maswerte sayo ang nanay mo dahil may anak siyang masipag at walang reklamo sa lahat tulad mo.."
Hinahaplos ni ninang amy ang buhok ko habang ako ay patuloy sa pagsubo.

"Ninang, ang sarap niyo po talagang magluto. Pwede ko po ba baunan ang nanay nito?"
Nakangiti kong tanong.

Ngumiti ito at tinanguan ako.
"Napakabait mo. Sana hindi ka na lang niya kinuha.."
Mahinang turan ni ninang.

Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at maganang kumain muli.

Nang makatapos akong kumain ay nag alok akong ako ang maghuhugas ng mga pinggan pero pinagbawalan ako ni ninang kasi magiigib pa daw ako kaya wala akong nagawa.

Masaya akong naglalakad pauwi habang bitbit ang plastik na may lamang adobo para kay nanay. Sigurado matutuwa yun dahil binaunan ko siya ng luto ni ninang amy.

Pagkarating sa tapat ng pintuan ay kumatok ako doon at biglang bumukas yon.
Nakita ko ang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na kurbata at mukhang amerikano.

Tumingin ito sakin at nginitian ko naman ito. Siguro bisita ito ni nanay kaya kailangan kong maging magalang.

"Magandang hapon po."
Magiliw kong bati.

Ngumisi sakin ang lalaki saka ginulo ang buhok ko at humaplos ang palad sa pisngi ko.

"Gwen!"

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon