Kabanata 20

275 4 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit kapag sumusulpot sa buhay ko si Claude lalong gumugulo ang buhay ko..
Naalala ko nung dumating ako ng pilipinas galing ng Paris. Ganito rin ang ginawa niya. Kinuha niya ako at sapilitang dinala sa bahay niya.

Ngayon naman ay poposasan niya ako? Is he insane!?

Narinig ko ang pagpihit ng knob pero hindi ako nag abalang lingunin ang pumasok. Patuloy kong kinukutkot ang dulo ng dress kong suot habang nakasandal ako sa headboard at nakaposas ang kanan kong kamay.

Saka ko lang nalaman na hindi si Claude ang pumasok dahil sa matamis na amoy. Pambabaeng pabango iyon.

His another woman, huh.

Matalim kong binalingan ng tingin iyon. Nakita kong unti unti nawala ang ngiti na nasa labi ng babae nang makita ang talim ng tingin ko.

"He actually did this to you? That asshole."
Palatak nito sa isang mahinahkng tinig.

Sino ba siya at malaya din nakakapasok dito?

Lumapit siya sa akin at malumanay na naupo sa gilid ng kama at kinalkal ang black purse niya para kunin ang cellphone doon.

Nagkaroon ako ng chance na pasadahan siya ng tingin.
Nakasuot siya ng denim skirt na fit sa kanya at naka yellow shirt siya. Naka heels din siya na kulay white.

Maputi siya at nakalugay ang maalon sa dulo niyang buhok.
Maganda siya at masasabi kong galing sa kilalang pamilya.

"You don't have to... What!? You're so unreasonable here, Couz... I'll let her go. Are you still with this kind of stuff!?.. Claude! Damn!"

Kita ko ang irita sa kilos niya at ibinalik ang cellphone sa bag niya.

Ibinalik niya ang atensyon sa akin at napailing. She's a beauty.
I admit it.

"I'm Betty. Remember me?"
Tumagilid ang ulo niya ng bahagya.

Siya iyong babaeng nagtanggol sa akin non sa school nila? Yung pinsan ni Claude?

Tumango ako sa kanya at tinuri ang posas sa kamay ko.

"Pakawalan mo ako. I'm not his prisoner."
I pointed out.

Kita ko ang paglungkot sa mga mata niya. Umiling siya sa akin.

"I can't. Hindi ko kayang magtraydor sa pinsan ko. I hope you'll understand."
Malumanay niyang wika.

Bakit kailangan niyang maging mahinhin!?

"Kailangan ako ng mga anak ko, Betty."
Pamimilit ko pa.

Nagbuga siya ng hangin at hinagod ang buhok niyang maalon paalis sa kanyang pisngi.

"I already talked to your kids. They having their dinner."
Pumangalumbaba siya sa akin at sinusuri ang mukha ko.

Tumikhim ako at naconscious sa kung ano ang itsura ko ngayon. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit magmula kanina!

"You're so pretty. Ang laki na ng pinagbago mo.. I mean, maganda ka na noon but now... Wow! You leveled up!"
Namamangha niyang wika.

What should I say? Thank you?
Nahh.

"I need to eat too, betty."

Tumango tango siya sa akin.
"I'll bring your foods here."

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon