Kabanata 6

495 8 0
                                    

Six years later.

Philippines 5:36pm

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko sa bed side table ko.
Inabot ko iyon ng nakakunot noo.

Anong oras na ba? Napahaba ata ang tulog ko?

"Hello?"
Paos kong tanong.

"Hoy bruha ka! Nandito ka na pala sa pilipinas hindi ka man nagsasabi sa amin!? Nasaan ka!?"
Sigaw agad ni Anthony sa kabilang linya.

Napangiwi akong nilayo ang cellphone tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Kadarating ko lang din kaninang umaga, tony. I just overslept.."
Kinusot ko ang mata ko at bumaba sa kama.

"Oh right! Kaya nakalimutan mo din sabihan kami ni Shane na pauwi ka na pala!? Nasstress kami sayo ha!"
Sermon niya ulit.

I just sighed and rolled my eyes.
Kinuha ko ang tali sa ibabaw ng dresser ko bago ko ainagot ang nagtatampong kaibigan ko.

"Sorry na.. Ganito na lang, let's have a dinner together."
Inilagay ko sa loudspeak ang tawag bago ilapag sa dresser ang cellphone at sinimulang ipusod ang buhok ko.

"Dinner is not enough! Treat mo kami ngayon sa Red Club. Now, Gwendelyn!"
Parang boss na utos niya.

Tinawanan ko siya at tumango tango saka sumagot.
"Okay. Maggogrocery muna ako, wala kong stock dito sa condo. See you at 8 pm!"
Pagpapaalam ko.

Pinatay ko na ang tawag saka pumunta sa banyo para maghilamos at mag ayos.

Nagbihis ako ng hanging blouse na black at blue jeans with white heels. 2 inch lang ang taas non at wedge pa kaya komportableng ipanglakad na din.

It's been what? Six years. Namiss ko ang pilipinas. Masasabi kong ibang ibang tao na ako ngayon. I can talk with a class and maintain my body figure now.

Nakapagtapos ako ng kursong HRM sa ibang bansa kaya magaling ako sa kusina. Nakatulong din sa pagaaral ko sa paris ang part time model ko kaya proud akong nasusustentuhan ko ang sarili ko habang nagaaral.
May naachieve ako kahit papano.

Huminto ang Cab na sinakyan ko sa tapat ng malaking grocery store.
Nagbayad ako dito bago bumaba.

Pagabi na at mahangin kaya natatangay ang buhok kong hanggang braso lang ang haba.
Hinawi ko ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Napasigaw ako nang may humigit sa akin ng malakas at dinala ako sa gilid ng puting kotseng Vios ang tatak.

Binawi ko ang kamay ko at matalim na tinignan ang gumawa non.

"What the hell is your--"

"You changed a lot."

Napatigil ako sa pagsasalita ko.
Nasa harap ko ngayon si Joash Claude Monforte.
Nakasuot ng itim na business suit at itim na sapatos.
Mas lalo ata siyang gumwapo? Tumangkad siya at mas lalong naging built ang muscles niya sa katawan, mahahalat ko iyon dahil bumabakat ang muscles niya sa suot na business suit.
Meron din siyang isang hikaw sa isang tenga niya na kumikinang dahil sa ilaw mula sa poste di kalayuan sa amin.
Ang mga berde niyang mga mata na kung makatitig ay tagos sa kaluluwa at ang labi niyang mapupula..

Wait! Bakit tila ata pinagpapantasyahan ko pa ang lalaking ito!?

Inayos ko ang tayo ko at taas noong hinarap siya.

"What do you want, Mr. Monforte?"
Matapang kong tanong.

Tumalim ang mga mata niya at ngumisi ang mga labi niya sa tanong ko.

"I want you."
Walang kurap at diretsong sagot niya.

Napaasik ako sa sinabi niya at di makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Wala akong panahon para sa kalokohan mo."
Tumalikod ako sa kanya at humakbang paalis.

Napatalon ako sa gulat at napasigaw nang may balang tumama sa sahig malapit sa kaliwang paa ko! Shit. Muntikan na iyon!

Marahas ko siyang tinignan at nakita kong siya ang may gawa non.
Mayroong silencer ang dulo ng baril niya kaya walang ingay iyon ng pinutok niya.

"Siraulo ka ba!? Paano kung natamaan ako ha!?"
Galit kong singhal.

"But you're perfectly fine. Now, come with me or I'll shoot your legs this time?"
Pananakot niya.

Pumikit ako sa sobrang inis at natatawang tumingin sa mga mata niya.

"Layuan mo ako at kahit anong gawin mo wala akong balak na sumunod sa'yo! Bakit hindi ang mga babaeng naghahabol sayo at naikakama mo ang ginugulo mo imbes na ako?"

"Isa ka sa mga nadala ko sa kama."
Bastos!

"Oh bout that? Masyado pa kasi akong stupid that time para hayaan ka na angkinin--"

Nanginig ako sa takot dahil tinutok niya mismo ang baril sa mismong noo ko!
Wala masyadong tao nakakapansin sa amin dito sa gilid at medyo madilim din kaya kung gugustuhin niya kaya niya akong patayin sa isang kisap mata!
After all He's a Monforte. A baddass Monforte.

Yes I know a lot about his family background. Makapangyarihan ang pamilya niya kaya kung gugustuhin niya makakaya niya akong patayin nang hindi hinahabol ng batas!

"Ayoko ng madaming satsat. Sasama ka sakin weather you like it or not."
Mapanganib niyang sabi sakin.

Wala akong nagawa nang hawakan niya sa braso ko at kinaladkad papasok sa passenger seat ng kotse niya at sinarado iyon.

Pagpasok niya sa driver seat ay agad niyang hinawakan ang batok ko at hinila ako palapit sa kanya.
Binayo ko ang dibdib niya para tumigil siya.

Humiwalay siya sa labi ko para ipakita lang sakin na may hawak siyang baril sa kamay niya.
Napapikit ako ng mariin nang halikan niya muli ako ng madiin at halatang sabik.

"Welcome home, Gwen."
Bulong niya sa ibabaw ng labi ko bago muling sakupin ulit yon.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon