Halos madapa ako ng hatakin na naman niya ako palabas ng elevator ng isang condominium na pinaghintuan niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito pero isa lang ang alam ko sa ngayon. Delikado ako sa isang katulad niya.
Pumiksi ako sa hawak niya sa braso ko nang huminto kami sa isang pintuan na may iniswipe na card sa gilid bilang susi.
"Why did you take me here? Ano na naman ba ang tumatakbo diyan sa isipan mo?" Inirapan ko siya.
Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin hanggang sa tanging maatrasan ko na lang ay ang malamig na dingding!
He leaned on me and stare in to my eyes. His green eyes."Marami ang nagawa sayo ng Paris, huh? How was your life without me in your life?"
Ang kapal din ng mukha niya. Anong akala niya na nagkasama kami ng matagal? Apat na araw ko nga lang siya nakasama tapos sa loob ng apat na araw na iyon pinatunayan niya sa akin kung gaano siya kagagong lalaki!
Tumitig ako sa mga mata niya at iniwasan kong mangatog dahil sa epekto ng mga matang iyon sa sistema ko.
"Pakawalan mo ko. Hindi tayo ganoon katagal na nagsama kaya 'wag kang umasta na para bang isa kang tuta na pinalayas ng amo---"
Napatigil ako at napapikit ng hampasin niya ang dingding sa gilid ng ulo ko. Kumabog ang dibdib ko dahil akala ko matatamaan ako.
"You... And your bullshit words. Careful." Puno ng diin at inis ang tinig niyang iyon.
Tinagilid ko ang ulo ko upang iwasan siya ng tingin pero sa ginawa kong iyon ay parang binigyan ko lang siya ng access para maipuwesto niya ang mukha niya sa gilid ng aking leeg.
"P-pakawalan mo na lang ako, Claude. P-please..."
Pagmamakaawa ko.Wala ata siyang balak pakinggan ang hinaing ko dahil imbes na sundin ako ay ramdam ko ang labi niya na dumikit sa aking leeg at ang mainit niyang hininga sa aking balat na nakapanindig ng aking balahibo. Goosebumps.
Umangat ang kanang kamay ko para itulak siya pero napapirmi iyon sa malapad niyang dibdib ng maramdaman kong hinahalikan niya ako sa bandang leeg ko patungo sa aking panga hanggang makarating iyon sa gilid ng aking tenga. Napanganga ako ng konti dahil sa ginawa niyang iyon.
"C-claude..."
Pigil ko sa ginagawa niya.
Mas lalo pa akong nagpumiglas dahil may nakita akong lumabas sa elevator di kalayuan na ibang guest ng condo dito na napahinto sa tawanan at napatingin sa gawi namin.Di ko maiwasang pamulahan mg pisngi dahil sa kahihiyan!
Tumikhim ako at nilagyan ng lakas ang pagtulak ko kay claude kaya nailayo ko naman ito sakin. Nabungaran ko ang mapungay niyang berdeng mga mata na nawala sa pokus pero panandalia n lang iyon dahil bumalik ang walang emosyon niyang tingin bago dinilaan ang pang ibabang labi niyang pumula lalo.
"Si Claude Monforte iyan diba?"
"He's so effin hot!"
"Who's that girl? His another bitch?"
Dinig ko ang mga usapang iyon galing sa mga babaeng kalalabas lang ng elevator na papadaan sa amin.
BINABASA MO ANG
Chained Me
RomanceHe will claim me no matter what. Kahit ang kabayaran non ay ang buhay niya. A beast like him wants me to be with him, forever. Be chained by him.