Kabanata 1

472 10 0
                                    

Agad akong tumakbo palabas ng restaurant na iyon kahit tinatawag ako pabalik ni nanay.

Binilisan ko ang pagtakbo para hindi nila ako mahuli.

Kung ano ano ang mga dinadaanan ko at nakakabangga na ako ng iba pero wala akong pakielam dahil gusto ko ay makaalis ako dito. Gusto ko na ulit bumalik ng probinsya! Ayoko na dito!

Isang malakas na ulan ang nagpalinis ng kalsada dahil nawalan ng mga taong naglalakad dahil sumilong sila pero ako ay di iniinda ang ulan dahil gusto kong malayo. Sobrang layo!

Basang basa na ako ng ulan pero wala akong pakielam patuloy lang ako sa pagtakbo.
Nang marinig ko ang busina di kalayuan ay tumingin ako. Nakita kong nasa loob non si nanay at yung lalaki!

Lumiko ako sa isang eskinita at patuloy na tinakbo iyon. Marami pa akong nilikuan para hindi nila ako makita at mahuli.
May nakita akong malaking gate na bukas kaya doon ako pumasok at naghanap ng matataguan ko.

Baka dito ay hindi nila ako makita na.
Sumiksik ako sa isang malaking halaman at pilit pinagkasya ang sarili ko. Di na nila ako makikita dito.

Maya maya ay tumigil ang ulan pero nanatili lang ako dito sa mga halaman.
Nakita ko ang mga pares na itim ng sapatos na naglalakad at marami iyon. Mga nakauniform din iyon.

Ang mga babae ay nakapalda at ang mga lalaki ay pants.
May mga bitbit din silang bag habang naglalakad at nagtatawanan pa.

Anong klaseng lugar ba itong pinasukan ko?
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at agad lumingon sakin ang mga tao. Estudyante sila base sa ayos at mga magaganda at gwapo!

Parang mga anak mayayaman sila dahil sa kutis at base sa mga kilos at pananalita rin nila.

Nilibot ko ang paningin ko at nagsimulang maglakad.
Ang ganda dito. Ang lawak din.

Ang tataas ng building tapos ang linis linis din.

Napapansin ko ang ilang mga kabataan na napapatingin sakin tapos ay sa suot ko sabay napapangiwi sabay magbubulungan.

Patuloy lang ako sa paglalakad ko at namamanghang nililibot ang tingin.
May naririnig akong sumisipol at nakikita kong mga nakangising binata pero di ko na lang yon pinansin din.

"Ouch!"

May nabangga ako at agad akong humingi ng sorry dito.

"Pasensya na. Naku pasensya na talaga di ko sinasadya."
Sabi ko.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!? O bulag ka ha!?"
Bulyaw nito.

"P-pasensya na talaga.."
Sabi ko at pinagpagan ang longsleeve ng uniform niyang black pero tinulak niya ako kaya napatumba ako sa damuhan.

"Bitch! How dare you to touch me!?"
Mas lalo pa ata siyang nagalit sa ginawa ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang sabunutan ito ng isang babae at hinila iyon.

"Ginto ka ba para bawal hawakan? Siraulo!"
Matalas na sabi ng babae.

Maganda ito at napakakinis. Matangkad ito at nakaponytail ang buhok niya.
Mataray ang dating ng mukha niya at nakared lipstick pa.

Tinulak nito palayo ang babae.

"B-betty.."
Nanginginig na wika nung babaeng tumulak sakin.

"Get out. Baka di kita matantiya."
Mataray nitong wika.

Agad na umalis ang babae.
Tumingin sakin yung babaeng nanabunot kanina sa isa at inalok ang kamay niya sakin.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon