Pagkababa ng sasakyan ay agad kumapit sa bewang ko si Claude at inamoy pa ang leeg ko kaya bahagya akong napaiwas sa ginawa niyang iyon."Claude.."saway ko sa kanya.
Nginisihan lang niya ako at humagod sa buhok niya ang kanyang mga daliri.
" Ah my name sounds good from your lips."
He bit his lowerlip and slightly shook his head.Naninibago ako bigla sa ganitong asal niya. May nangyari lang sa amin sa loob ng sasakyan niya parang ibang tao na ang kasama ko ngayon.
"It's rude to stare, woman."
Palatak niya pa.Naglakad kami papasok ng isang mamahaling restaurant at iginiya naman kami sa isang VIP dining area. Pagbukas ng pintuan ay nakita kong may tatlong lalaki ang naroroon.
Nagulat pa ako nang makilala ko ang isa! Si Juno!
Napatingin ako kay Claude at nakitang nakikipagusap ito sa babaeng sumalubong dito pagkapasok namin. Naka black fitted dress ito at may mapulang labi habang humahaplos sa malapad na dibdib ni Claude pero wala lang iyon para dito.
Dumiretso ako sa may sofa na malawak kung saan nakaupo ang tatlong lalaking nandoon. Agad lumipat ang tingin ng mga ito sa akin nang maramdaman ang aking presensiya.
Tumayo ang mga ito pero mas nagulat ako sa reaksyon ni Juno pagkakita sa akin.
"Gwendelyn! Finally!"
May galak sa boses nito nang lapitan ako.Kinuha nito ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad niyon. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko dahil don.
"Juno."
Marring tawag ni Claude mula sa likuran ko.Lumingon ako dito at nakita kong nakaabrisete sa braso niya ang babae.
"Hi there, Claude. Kanina ka pa niyan hinahanap sa amin ni Ellie." Sabi ni Juno dito.
Ellie? His fianceè?
"Mind you taking your hands off her, Juno?"
Malamig na wika ni Claude.Napansin kong nakahawak parin pala sa akin si Juno at ako na ang nahihiyang tanggalin agad iyon sa akin.
Marahang natawa si Juno at iginiya naman ako patungo sa harapan ng dalawang lalaki.
Narinig ko pa ang mahihinang pagmumura ni Claude kay Juno.
"Guys this is Gwendelyn. Gwendelyn these are my other cousins." Pagpapakilala sa kanila ni Juno sa akin.
"You don't need to--"
"Mind your fianceè, Claude."
Seryosong sambit ni Juno.
Pakiramdam ko pag nagseseryoso ito parang dapat ko itong katakutan dahil kaawra niya si Claude na kapag galit talagang di mo ito malalapitan.Magpinsan nga sila.
Masama ang tingin ni Claude kay Juno pero binalewala lang ito ng huli.
Nag extend ng kamay ang lalaking naka business suit pa at may tipid na ngiti sa labi. Kung makatitig ito ay parang basang basa niya ang tunay mong iniisip.
"I'm Zekairo Monforte."
Pati ang boses ay pormal sa pagpapakilala."And he's the youngest among us."
Magiliw na dagdag ni Juno.Tumingin ako sa isang nakasimpleng white vneck shirt at black cargo shorts pero malakas ang dating ng awra sa mga kababaihan. May isang hikaw din ito sa isang tenga na kumikinang pag tinatamaan ng ilaw.
BINABASA MO ANG
Chained Me
RomanceHe will claim me no matter what. Kahit ang kabayaran non ay ang buhay niya. A beast like him wants me to be with him, forever. Be chained by him.