Kabanata 3

451 4 0
                                    

Nagising ako na hindi ko maigalaw ang balakang maging ang mga binti ko sa kirot.
Para akong binugbog ng sampung katao.

Natigil ako sa paggalaw nang may maalala. May nangyari sa amin...
Oh my god. Naisuko ko sa kanya ang kabirhenan ko!
Napakababa kong babae at agad akong bumigay!

Iginalaw ko ang mga kamay ko pero nakarinig lang ako ng kalansing ng metal sa ulunan ko. Tiningala ko iyon habang nakahiga at namanhid ang buong katawan ko dahil nakaposas ang dalawang kamay ko sa ulunan ng kama!

"You're awake..."

Nilingon ko ang nagsalita. Nakita ko sa paanan ng kama si betty na nakahalukipkip. Nakasuot siya ng puting hapit sa katawan na bestida at red lipstick sa mga labi.
Nataranta ako nang maalala na baka wala akong damit! May nangyari sa amin ng kanyang nobyo na si sir claude!

"B-betty.."

"Claude, tied you up not me. He confirmed that you're a spy."
Walang emosyon ang mga mata niya habang nagsasalita.

Hindi ko maintindihan? Anong spy ba? Inangkin ako ni sir claude dahil sabi niya iyon daw ang parusa ko dahil isa akong.. Spy?

"Wala akong a-alam sa sinasabi niyo..."
Mahina kong sagot.

Ngumisi siya sakin bago pumunta ng ulunan ko at may kinalikot sa posas ko bago ko naramdamang lumuwag iyon kaya naibaba ko.
Dahan dahan akong naupo at ngumiwi sa sobrang kirot ng baba ko.

"Kakausapin ka ni Claude. Ayusin mo ang sarili mo at maglinis ka muna bago bumaba."
Muli ay isang flat na tone iyon mula sa kanya bago ako talikuran at umalis.

Dama kong galit din siya at isang kalabit baka sabunutan niya ako. Bakit hindi, may nangyari sa amin ng mahal niyang nobyo..

Kahit masakit ang buong katawan ko ay pinilit kong bumangon sa kama.
Nakita ko na nakasuot sa akin ang malaking puting tshirt na abot ng tuhod ko. Kay sir ba ito?
Pero imposible dahil bakit niya pa ako bibihisan, galit nga siya sakin.

Tumuloy ako ng banyo ng kwarto at inikot yung handle nung shower. Maligamgam na tubig ang bumagsak sakin kaya naginhawaan na din ako kahit papano.
Pagtapos ko maglinis ay tinuyo ko ang katawan nung isang tuwalyang maliit na nakasabit sa dingding saka sinuot muli ang malaking puting damit.
Bababa na lang siguro ako sa maids quarter kung saan nandoon ang room ko para kumuha ng panloob ko at pamalit.

Paglabas ko ng banyo napansin kong wala na ako sa kwarto ni Sir Claude. Sa pagkakatanda ko isa ito sa guest room niya sa mansion niya.

Nagkibit balikat ako. Nahagip ng mata ko ang baby pink na dress at mga panloob na nakapatong sa kama. Si betty kaya ang naglagay nito?

Lumapit ako doon at kinuha. Mukhang ito ata ag susuotin ko.
Nagpalit ako ng damit saka sinuot ang panloob at damit na nakapatong sa kama.

Medyo natuyo tuyo na ang buhok ko kaya pinasadahan ko na lang iyon ng daliri ko dahil bagsak naman iyon at konting ayos lang ang kailangan.

Inayos ko muna ang buong kwarto bago ako lumabas ng kwarto.
Napatigil ako sa paghakbang dahil naisip ko... Ano na ang gagawin ko?
Mananatili pa ba ako dito gayong may nangyari sa amin...

Hindi ko ata kakayaning manatili pa rito dahil masyado ng makapal ang mukha ko nun. Galit si betty dahil nagtalik kami ni sir claude.. Dapat na siguro akong umalis.

Huminga ako ng malalim at nagtuloy bumaba ng hagdan.
Pagbaba ay agad kong narinig ang ingay sa may living room.
Nagtungo ako doon at nagtago sa isang dingding para alamin ang nangyayari.

Nakita ko si Sir Claude na may hawak na baril sa isng kamay habang parang hari na nakaupo sa isang sofa at may nakaluhod na lalaki sa harapan niya.
Si betty naman ay nakaupo sa isa pang sofa at matalim ang tingin sa lalaking nakaluhod at nakayuko.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon