"Eat."
Muli niyang inilapit sa tabi ko ang tray na naglalaman ng mga pagkain.Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin ang pagkain na inaalok niya sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking ito basta nagising na lang ako ng umagang ito na nasa ibang kuwarto na ako na puro white and dark blue ang kulay. Tanging mga matataas na puno lang sa labas ang nakikita ko mula dito sa bintana na nasa gilid lamang ng kama na kinalalagyan ko.
"Iuwi mo na ako, Claude. Itigil mo na ang kabaliwan mong ito!" Asik ko sa kanya.
Pagod siyang sumandal sa maliit na sofa na nasa gilid sa kabila ng kama at napahilot sa sentido niya na para bang napapagod na siyang ipilit ang pagkain sa akin.
Tama yan, mapagod ka na sana!
"You're not going home. Now, don't be fucking stubborn and eat your food, Gwen." Mariin niyang sabi.
"Ayokong kumain. If you want to eat, then eat that food instead! Don't be so persistent here, Claude! Hinding hindi ko iyan kakainin!" Matalim kong wika sa kanya.
Tinitigan niya ako pabalik pagkatapos ay napahagod sa kanyang buhok na para bang inuubos ko na talaga ang pasensya niya.
Di tulad ko ay nakabihis na siya ng isang simpleng black V neck shirt na humahakab sa maskulado niyang katawan habang nakasuot ng puting cargo short sa pang ibaba niya. Simpleng slippers na pambahay lang ang suot niya at ako naman ay nakasuot pa rin ng blue jeans ko at hanging blouse pero walang suot na high heels na sa pang paa ko. Mabuti naman at di niya din naisipan na palitan ako dahil kung hindi talagang sasabog ako dito na parang bomba.
Hindi naman sa nagiinarte dahil nakita---
"Kumain ka na, Gwen at tigilan mo ang pagiisip bata." Bumuga siya ng malalim na hininga at tinitigan ako ng mga mata niyang seryoso.
Napaasik ako at sasagot pa sana ako pero tumunog ang isang cellphone na nanggagaling sa shoulder bag ko na maliit na nakapatong sa side table katabi ng tray.
Napatingin din doon si Claude at umigting ang panga at bago ko pa siya maunahang madampot ang bag ko ay nauna na siya at tumayo siya para ilayo sa akin iyon.
Talaga bang iniinis niya ako!?
Tumayo ako at bumaba ng kama at akmang hahablutin ko ang bag ko pero tumutok sa akin ang mga matatalim niyang tingin na nakapagpatigil bigla sa paghakbang ko."Claude, ibalik mo sa akin iyan!" Utos ko.
Kinuha niya sa loob ang tumutunog kong cellphone at sinagot ang tumatawag doon.
"What do you need?" Panimula niya sa seryosong boses.
Hindi niya inilalayo ang mga tibgin sa akin na para bang binabantayan niya ang mga kilos ko. Sa tingin ko wala siyang balak pakawalan ako kung saan lupalop man niya ako dinala!
Oh my god! This is kidnapping!
"How did you get her number, Brent? Talaga ba ginagalit mo ako?" Wika ni Claude habang umiigting ang panga sa inis.
Brent? Sinong Brent? Wala akong kilalang Brent na nasa caller ko-- teka. Parang naalala ko na may binanggit sa akin si Claude tungkol sa tunay kong pamilya na may Brent na pangalan! Siya kaya yung...

BINABASA MO ANG
Chained Me
RomanceHe will claim me no matter what. Kahit ang kabayaran non ay ang buhay niya. A beast like him wants me to be with him, forever. Be chained by him.