Kabanata 8

361 5 0
                                    


Parang isang bomba iyon na sumabog na lang bigla sa aking harapan. Hindi ko mapaniwalaan pero may parte sa akin na gustong tanggapin ang lahat ng sinabi niya.

"Baby, Go home with me."
Kita ko sa kanya ang pagsusumamo.

Isang putok ng baril ang nagpagising sa lutang kong isip. Nakita kong pinaputukan ni Claude ang isang bodyguard ng lalaki at akmang susugod ang isa pero pinigilan ng lalaki dahil siguro alam niyang malapit lang ako kay Claude at dahil sa kapatid niya daw ako kaya ayaw niya sigurong masaktan din ako kung sakali.

Totoo ba ito?

"Dahil sa ginawa mo, Loberiano hindi ko siya ibibigay sa iyo." Isang banta iyon.

Nang hinila ako ni Claude paalis ay nagpatangay ako dahil lutang ako sa nalaman ko.

Hindi ba ako tunay na anak ni nanay? Kaya ba hindi ako nagawang mahalin ni inay na parang kanya dahil isa lang akong ampon?

Kaya ba nasikmura niyang ibenta ako sa ibang tao dahil... Dahil hindi naman talaga ako sa kanya nanggaling noong seventeen ako?

Pero paano? Paano ako nalayo sa tunay kong pamilya kung simula pagkabata ko ay si inay sa probinsiya ang nakamulatan ko.

"Don't think about it."

Napatingin ako kay Claude na nakaharap sa manibela habang seryoso ang mga mata nitong nagmamaneho.

Siya. Siya ba ang dahilan kung bakit matagal kong di nakasama ang tunay kong pamilya? Ayaw niya ba talaga akong ibigay sa tunay kong kuya?

"S-sila ba ang tinutukoy mong.. Ipapakilala mo sa akin kanina?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Nagtagis ang bagang niya at tumalim ang mga mata niyang nakatutok sa kalsada.

"Yeah." Simpleng sagot pero nakumpirma kong maling nanay ang kinamulatan ko dahil di siya ang tunay kong ina!

At ngayong nahanap na ako ng tumay kong kapatid di niya ako hinahayaang makasama pa sila!?

"Hinahadlangan mo na makasama ko ang tunay kong kapatid..." Namuo ang bikig sa aking lalamunan.

"Shut it."

"Gago ka! Anong shut it, ha!? Pamilya ko 'yon Claude! Pamilya ko at ipinagkakait mo sa akin!? Simula palang nung una pinaglalaruan mo ko!? Iyong... Iyong lalaking iyon diba iyon din yung lalaki na nagpunta ng mansiyon mo matapos may mangyari sa atin ha!? Aminin mo!" Pagwawala ko habang lumuluha.

Kita ko ang paghigpit sa hawak niya sa manibela at iritang napahagod ng kanyang buhok.

"Ihinto mo ito." Malamig kong sabi sa kanya.

Hindi niya parin ako tinitignan at diretso lang ang tingin sa daanan.

Sa sobrang inis ko ay binuksan ko ang door handle ng pintuan at bumukas iyon. Di niya inaasahang gagawin ko iyon kaya napamura siya sa ginawa ko at agad binagalan ang takbo pero bago pa tuluyang huminto ang kotse niya ay tumalon na ako pababa doon kaya nagpagulong gulong ako sa gilid ng daan na sementado.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon