Kabanata 11

378 4 0
                                    


Araw-araw ay nandito lang ako sa loob ng kuwarto at kung sisilip naman akong labas ay tanging nakikita ko lamang ay nga nagtataasang puno at mga ibon na dumadapo sa mga hinahanging sanga nito.

Sa tantiya ko ay pang apat na araw ko na dito at talaga yatang walang balak si Claude na paalisin ako dito.

Wala akong ibang ginawa kundi sundin siya na kapag sinabing kumain na ako ay tahimik ko lang iyon susundin at hindi niya naman ako iniiwan hangga't hindi ko nauubos ang laman ng tray na dala niya.

Hindi ko nga alam kung may ibang tao ba dito sa bahay na ito dahil tanging pagmumukha lang ni Claude ang nakikita ko. Siya din yata ang nagluluto ng mga hinahain niya sa akin.

Napapikit ako nang humampas ang mabini sa mukha ko ang hangin mula sa labas ng bintana. At least meron parin akong sariwang hangin na nalalanghap.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan pero di ako nag abalang lingunin siya.

"Oops?"

Marahas akong napalingon sa boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi si Claude iyon!

He has gray eyes at chinky ang mga mata niya. Parang nakikipaglaro lagi ang mga tingin niya. Matangkad at well built muscles. Gwapo at the same time may pagka playful side ang awra.

Nakasuot ito ng red vneck shirt na pinresan ng black jeans at black nike shoes naman ang sapin sa paa.

May bisita ba ngayon si Claude?

"Who are you?"
Mahinahon kong tanong dito.

"Ito pala yung pinagbabawal niyang room. I forgot. My fault."
He chuckled after saying it.

Akmang lalabas na muli ito pero agad akong tumakbo papunta dito at pinigilan ito sa braso kaya napatingin ito sa kamay kong nakahawak dito.

Agad kong binawi ang kamay at tumayo ng tuwid.

"Sorry."
Hinging paumanhin ko dito.

Mahina muli itong tumawa at tinapik ng marahan ang kanan kong balikat.

"N-nasaan si.. Claude?" Pag aatubili kong tanong dito.

Tumaas ang isang kilay pero hindi naaalis sa mga mata nito ang pagkislap ng kapilyuhan.

"Nasa baba. She's talking to his fianceè, Ellie." Balewalang sabi nito.

Napaangat ako ng tingin dito at kumabog bigla ang dibdib ko. Fianceè? Ang sabi niya patay na ito!?

"His new fianceè." Maya maya ay dugtong nito.

May bago naman na pala itong fianceè pero bakit ginugusto parin nitong ikulong ako? dahil parin ba ito sa utang ng pamilya ko kay Claude?

"T-then who are you?"
Alinlangan ko pang tanong dito.

Inilahad nito ang kanan na kamay at ngumiti ito sa akin.

"Juno Welz Monforte, at your service... Gwendelyn."

"You know me!?" Gulat kong bulalas dito.

Natawa na ito sa pagkagulat ko at inabot nito ang isa kong kamay para makipagshake hands.

"I'm his cousin and I know all his dirty plans and unfortunately you are one of them."
Kibit balikat nitong turan sa akin.

Biglang may umilaw na ideya sa utak ko. Mukha naman itong mabait pero gusto ko parin sumugal kahit na imposible.

Marahan ko kinuha ang kaliwang kamay niya at nagmamakaawang tumitig sa abuhin nitong mata. Maski ito ay nagulat sa ginawa ko pero kung gusto ko makaalis kailangan kong kapalan ang mukha.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon