Kabanata 17

294 5 0
                                    


Kinuha ko ang kandila at sinindihan iyon bago pinatakan ang tray na lalagyan ng kandila at itinulos patayo doon.

Nagdasal ako ng taimtim doon nang biglang may kumalabit sa dulo ng white maxi dress ko na suot.

Tinignan ko ito at nakita ko si Sky na may iniaabot na bulaklak sa akin kaya napangiti ako at iniabot iyon ataingat na inilagay sa harap ng dalawang picture frame na naroon.

Umupo ako sa harapan ni Sky at tinitigan ang berdeng mga mata nito.

"Kiss lolo and lola goodbye, my angel."
Malambing kong sabi dito.

Hinagkan niya ako ng mariin sa aking pisngi at humagikhik na sumubsob sa aking loob. He's naughty.

Kiniliti ko siya sa kanyang tagiliran bago pupugin ng halik ang buong mukha niya kaya napatawa na ito ng malakas.

"Stop, Mom! I'm gonna kiss them goodbye, all right!"
Sabi nito habang walang tigil sa.pagtawa dahil sa.pangingiliti ko

Nakangiti ko itong tinigilan at binuhat para makapag iwan siya ng halik sa kanyang lolo at lola.

Nagflying kiss siya ng dalawa sa mga ito at bumaling sa akin at hinalikan ako sa noo.
He's so sweet.

"Mama!"

Napatingin ako kay Sven na buhat buhat ni lucas. Nagkakawag ito mula sa bisig ni lucas na parang gusto din magpakarga sa akin.

Natawa si lucas at marahang ibinaba ang mga kamay ng anak ko at binulungan ang bata na napanguso na lang.

"Get down, Sky. Mama must be tired because you're heavy."
Reklamo ni Sven.

Ngumisi si Sky. Mannerism na namana niya sa kanyang ama.

Nagpababa si Sky sa akin at kinulit ang kakambal niyang buhat buhat ni lucas.

Napangiti na lang ako sa dalawa.

Sa nakalipas na tatlong taon ay maayos kong nairaos ang pagapalaki sa magkambal ko. Hindi ko nga din akalain na kambal pala ang sumisipa sa loob ng tiyan ko.

Si kuya ay bumalik ng Pinas para muling asikasuhin ang naiwan na negosyo doon at bantayan na din si Gracelyn. I still hate her.
Kahit hindi niya iyon sadya ay hindi man lang siya dumalaw sa puntod ng mga magulang namin na nasa pilipinas!
Yes I know it, my brother keeping me updated.
I just want to know her state because after all she still my twin but right now, I feel hate towards her.

"Hey what's with the frown face?"
Iniunat ng daliri ni lucas ang nakakunot kong noo.

Ngumiti ako dito.
Naging katrabaho ko si Lucas Alegro sa pagmomodel dito sa Australia. We're working on the same agency. Forte Models.

Yes, sa agency kung saan nagtatrabaho parin sina Anthony at Shane yun nga lang dito kami sa branch ng Forte sa Australia nagshoshoot at ipinapadala nalang ang mga litrato sa pilipinas.

Pero ngayon ay sabay kaming uuwi ni lucas sa pilipinas dahil nagdemand na din bg trabaho namin ng shoot na gaganapin mismo ng pilipinas.

"Mommy! Sven hit me!"
Nakangiwing lumapit sa akin si Sky na hawak hawak ang kanyang noo.

"I said I'm sorry! No need to tell mama when we can fix this through sincere apology, Sky!"
Humalukipkip si Sven kay Sky.

Parehong berde ang mga mata ng kambal. Kung may namana man sa akin yun ay ang puti ng kutis dahil medyo may pagka tan ang kutis ng ama nila.
Malakas ang genes ng Monforte sa dugo nila.

"Sven talks like adult. "
Natatawang wika ni Lucas sa tabi ko.

Lihim akong sumang ayon sa turan niya.

Si Sven ang huling lumabas sa akin. Kabaligtaran daw ang panganay sa kambal.

Kung sino daw ang unang lumabas ay iyon ang bunso.dahil ang huling lumabas ang panganay. Ito daw ang nagbibigay muna ng way bago ang sarili nito kaya masasabi kong si Sven ang panganay sa dalawa.

Umuklo ako upang pantayan ang dalawa.

"I'm sure it's accidentally hit, sweetie. Forgive your twin."
Mahinahon kong wika.

He exhaled and step forward to his brother Sven.
Sven pat his twin's head and hug him while saying sorry.

Simple gestures but it can makes my heart swelled.

"Okay, kiddos! Get your bagpacks and we're going to the airport."
Masiglang anunsyo ni Lucas.

Agad naman na kinuha ng dalawa ang itim nilang bagpack at nagsimula na namang magdaldalan tungkol sa pilipinas.

Inakbayan ako ni Lucas at hinalikan ang gilid ng sentido ko.

"We're going to the Philipines."
Bulong nito sa akim.

Kung may hindi man ako pinaalam kay Lucas yun ay kung sino talaga ang tunay na ama ng aking mga anak. Hindi na importanteng malaman pa nito iyon dahil sisiguraduhin ko na hindi na kami muling magkikita pa. Hindi na.

------------
Short update.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon