Kabanata 19

259 3 1
                                    


"Claude, mag usap tayo!"
Pigil sa inis kong sabi sa kanya.

Parang wala siyang naririnig na nagtuloy tuloy ng lakad patungong kusina at binuksan ang ref para kunin ang pitsel doon.

"Claude!"

"Just talk, Gwen. May pupuntahan pa ako."
Malamig niyang wika sa akin.

Napaawang ang labi ko sa inasal niya. How dare him to act like this!?

Napahagod ako ng mukha ko at humalukipkip. Ibinaba niya sa granite sink ang ininumang baso.

He's still topless. Pinaasikaso ni Claude sa mga nanny ng magkambal ang mga anak ko. Parang pinlano niya talaga dahil naghire pa talaga siya ng nanny ng kambal!

"What are we doing here? We're not supposed to be here! Dapat nasa mansiyon kami. Mansiyon namin and did you planned all of this!? Yung van.. Sa iyo ang van na sumundo sa amin sa airport diba and how did--"
Natigil ako sa pagsasalita ko nang itaas niya ang isang daliri niya na senyas upang tumigil ako.

"One question at a time. Maraming oras para masagot ko iyan."
Ginulo niya ng marahan ang basang buhok niya dahil sa paglalaro niya sa mga bata sa garden.

Itinukod niya ang dalawang kamay sa sink at tumingin sa akin.

Ako lang ba o talagang nag iba ang itsura niya?
May kakaunting stubbles siya na talagang bumagay sa kanya at ang makintab na balat ay lalong tumingkad dahil sa pagkabasa nito..
Bumaba pa ang tingin ko mula sa matangos niyang ilong pababa sa natural na mapupulang labi na sakto ang kanipisan pababa pa sa malapad at may muscles na dibdib patungo sa... 6 pack abs!

Ang init.
Anong ginawa niya sa loob ng tatlong taon. Nagbabad sa gym!?
Ang laki ng katawan pero hindi sa paraan na nakakatakot na ang laki, sapat para matalo niya ang iilang GQ models.

"Stop eye raping me. Talk."
Wika niya na nakapagpagising sa diwa ko.

Tumikhim ako at taas noo siyang muling hinarap.

"Bakit kami nandito? Alam mong uuwi kami ng pinas?"
Pang aakusa ang nasa boses ko.

Humalukipkip siya kaya nadistract naman ako sa biceps niya sa braso at maugat na mga kamay.

Kinunot ko ang noo at pilit pinanatili ang mata sa kanyang umangat ang sulok ng labi para sa isang ngisi.

"Wala na kayong mansyon at oo alam kong uuwi kayo. Walang masama kung maging alerto ako sa kaganapan sa mag ina ko."
Tuloy tuloy siya sa pagsagot.

Hindi naproseso sakin masyado ang una niyang sinabi.. Anong walang mansyon!?

"May mansyon kami! At wala kang karapatan sa mga bata!"

Nagdilim ang berdeng mga mata niya at nagtagis ang bagang niya.

"Iyan ang huwag mong gagawin. Ang tanggalan ako ng karapatan sa mga anak ko. Hindi porket wala ako sa tabi mo noong mga panahong pinagbubuntis hanggang sa mailuwal mo sila ay ipagdadamot mo na sila sa akin."
Mariin ang boses niyang sabi.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon