Kabanata 18

440 11 2
                                    


Kasalukuyan kong kausap sa cellphone si Anthony para sa kontratang tatapusin ko habang nasa pilipinas ako.

"Nasa akin na nga bakla ang alalahanin mo na lang ay ang pagpirma mo sa mga papel na ito."

"Thank you, bakla. I owe you a lot."
Nangingiti kong wika sa kanya.

"I-kiss mo na lang ako sa dalawang version ng Joash mo diyan ah! Lovelots from ninang thony kamo."

"Love more daw ninang."
Natawa ako sa naging tugon ko.

Maya maya ay nagpaalam na din kami sa isa't isa dahil Flight na namin ang sunod pa manila.

Nakita kong seryosong nag uusap ang magkambal ko habang may pag demo pa ng kamay sa isa't isa. Para bang nagmemeeting sila tungkol sa isang business proposal. They are so cute.

Ang ibang kasabayan namin paakyat ng eroplano ay napapatitig sa gawi nila Sky at Sven at napapangiti.
Magkamukhang magkamukha talaga sila na di mo mapagsisino kung sino sa dalawa si Sky o si Sven.

Ang tanging pagkakakilanlan ko sa dalawa ay ang nunal ni Sven sa lowerlip niya. Maliit lang iyon pero kung tititigang mabuti ay makikita. Sa buhok din ay magkaiba ang taste ng dalawa sa ayos nito.

Namana ni Sky ang maalon kong buhok samantalang kay Sven ay bagsak na bahagang tumatakip sa mga mata nito.

Nang makaupo ay sinigurado kong nakakabit ang seatbelt ng dalawa na walang tigil sa pag uusap. Si Lucas naman ay nag aayos ng mga bagahe namin sa itaas bago umupo sa kanan kong bahagi.

"Kanina pa iyan sa pag uusap ah. What are they talking about?"
Maging si Lucas ay nakukuryoso na sa pinag uusapan ng dalawang ito dahil seryosong seryoso pa.

Nang mahalatang nakatingin ako sa kanila ay tumigil ito at diretsong tumingin sa harapan ng upuan. Kumunot ang noo ko.

Ang weird ng mga anak ko.

Sa nakalipas na oras ay di na muling nagdaldalan ang dalawa bagay na kinagulo ko talaga. Kumain lang sila ng kumain ng mga pagkain na iniaalok ng attendant ng eroplano. Kung mag uusap man ito ay tungkol sa pagbibigayan ng pagkain nila sa isa't isa.

Ako din ang hindi nakatiis at tinignan sila.

"Boys what is it?"
Seryoso kong tanong.

Pag alam nilang ganitp ang tono ko ibig sabihin ay kailangan nilang magsabi sa akin ng totoo.

Napayuko ang mga ito na parang may kasalanan pa na nagawa.

"We're just talking about..."
Pagbibitin ni Sky sa pangungusap niya.

Tumingin ito kay Sven at nilingon naman ako ni Sven.
Kumunot din ang noo nito sa akin kaya napa arko pataas ang kilay ko.

"Why so curious, mama? It's just about a kid things."
Naguguluhan din nitong wika sa akin.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon