Kabanata 13

299 4 0
                                    


Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga boses na nagsisigawan mula sa labas ng kuwarto. Dumilat ako at nakita ko ang puting kurtinang hinahangin ng nakabukas na bintana.

Umunat ako at natigilan nang marealize na nasa bahay pala ako ni thony. Dito niya na ako pinagpahinga sa kanyang guestroom pagtapos niyang tanungin sa akin kagabi kung high daw ba ako sa drugs. Ah that gay!

Bumangon ako at dumiretso ng CR para maligo. Nakita kong may nakaready na damit sa ibabaw ng sink.

Isang white shirt at blue jeans at may bra at panty pa na sakto lang ang sukat sa akin at may nakasabit pang price tag.

He's like my real family. He cares for me since shane found me in the street like a kid nowhere to go.

Pagtapos kong maligo at magbihis ay nagblower ako ng buhok at may nakita akong ilang lotion at moisturizer na nadoon kaya ginamit ko iyon.

Nagpulbo at lipstick ako saka konting blush on sa pisngi para may buhay naman ang mukha ko. Makapal naman ang kilay ko kaya hindi ko na kailangang magkilay pa.

Sinuklay ko ng marahan ang maalon kong buhok at maingat na sinundan ko ng daliri ang pag curl ng dulo niyon.

Matapos ko ayusan ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto at luminaw sa akin ang boses na naulinagan ko kanina lang.

"She's not here! You know what? Trespasser ka sa ginagawa mo!"
Marahas at lalaking lalaki na sigaw na Anthony sa kausap.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi naman sana tama ang nasa isip ko.

"Don't hide her, Anthony! I can ruin your career and you know I can do more worst than that."
Mapanganib na wika ng baritonong boses na iyon.

Si Claude! Paanong...

Nasundan niya ako! Hindi puwede. Ayoko. Gusto ko na sa totoong pamilya ko!

"Sinabi ng hindi ko itinatago eh!"
Pagpupumilit pa ni Anthony.

"Then let me search your whole house."
Paghahamon pa nito.

Huminga ako ng malalim at umisip ng tamang paraan para makalabas sa bahay na ito.

Pumasok muli ako sa kuwarto at nakita ko ang malawak na bintana. Nasa second floor lang ito at kung tatakunin ko pababa makakaya ko naman.

Agad akong lumapit doon at sumampa paakyat doon.

Dahan dahan akong humahakbang pababa sa mga nakausling disenyo ng pader. Malapit na ako sa pinakababa.

Nanlamig ako nang may humaklit sa bewang ko at ang akmang pagsigaw ko ay natigil nang may tumakip dito.

Labis ang kabog ng dibdib ko sa kaba. No. He got me again.

"Hush, baby. I'm here, you're safe now."

Napamulat ako at binitiwan naman ako nito. Nakita ko si kuya brent pala iyon. Naluluhang napayakap ako dito dahil sa relief.

"I'm glad na sinundan ko si Joash Claude dito. Let's go home."
Malambing nitong pag aalo sa akin.

Napapahikbi akong tumango tango habang nakayakap parin dito.

Hinila niya ako ng marahan at iginiya palakad sa kotse niya na di kalayuan sa likuran ng kotse ni Claude.

Agad akong pinasakay doon ni kuya at sumakay din siya agad. Pinaandar niya ang kotse at hindi nagmamadaling nilagpasan ang kotse ni Claude. Para siguro hindi makahalatang nagmamadali.

Chained MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon