"Edi sa'min ka na?"
Tanong ni anthony sakin."Magtatrabaho ako para sa mga gastos dito wag kayo--"
Iwinagayway ni anthony ang isang kamay niya na parang wag ko na ituloy ang mga sinasabi ko.
"Gwen, right? Maganda ka at sexy. Pwedeng pwede ka sa agency na pinapasukan din ni Shane at walang kaso sa aming dalawa kung mananatili ka dito sa amin!"
Sabi ni anthony.Mababait silang tao at nakita ko yun mismo kung paano sila makitungo sakin kahit nung kumakain palang kaming tatlo sa isang restaurant.
Siguro maituturing kong kahit papano swerte ako sa dalawang taong ito kahit na minsan maingay sila at di ako masyado makasabay sa gusto nila.Kinabukasan dinala ako ni shane sa isang salon. Kung ano anong mga ginawa nila sakin.
Inayos nila ang pagkakagupit ng buhok ko at pumili din si shane ng damit na babagay sakin.
Sunod ay sa derma. Konting pagpahid lang ang ginawa tapos may binigay lang sakin na ilang cream na gagamitin para daw mapanatiling makinis ang balat ko sa mukha.Matapos lahat ay nagpunta kami sa isang matayog na building at kumikintab ang bawat salamin mula sa labas.
Pumasok kami sa loob nun at sumakay ng elevator ni shane."I'm sure they will like you, Gwen."
Pagpapakalma sakin ni shane at inalalayan akong lumabas ng elevator.Ang daming tao at mga nagkikislapang ilaw ang nakita ko sa bawat sulok. May mga nakasuot na sexy na mga damit at magagandang babae habang kinukunan ng litrato.
"Here they are!"
Lumingon ako kay Anthony na naka blue na scarf ang nasa leeg.Pumunta ito sa gawi namin at pinagdikit ang pisngi naming dalawa.
"Shane, ikaw na ang next sa posing. Get ready na, ako na bahala magpakilala dito kay Gwen."
Sabi ni Anthony."You're okay here?"
Mahinanhong tanong sakin ni Shane."Ayos na ako dito. Salamat, Shane."
Sagot ko.Ngumiti muna siya sakin bago pumunta sa isang pintuan na nakalagay sa taas ay 'dressing room'
"Come on, Gwen. Be confident dapat kapag humarap ka na sa Manager ng Agency na ito ha. Maswerte at pili talaga ang mga nakukuhang Forte Models."
Sabi ni Anthony habang naglalakad kami.Huminto kami sa glass door at tinulak iyon ni Anthony pabukas.
Bumungad sa amin ang babaeng may sinusulat sa papel mula sa table niya. Nag angat siya ng tingin sa amin at tumagal ang mga mata sa akin."Ma'am Sanya, eto po yung sinasabi ko sa inyong girl na perfect model para sa susunod na labas ng jeans natin."
Agad na bungad ni Anthony."Oh. Have a sit."
Minuwestra niya ang dalawang upuan na nasa harapan niya.Sabay kami tumungo doon ni Anthony at naupo.
"Magaling ka talaga kumilatis at pumili, Anthony my dear.."
Sabi nung babaeng tinawag ni Anthony na Tita sanya."Tita mataas ang standard ko kaya I'm pretty sure hindi kayo mabibigo sa akin."
Sinabayan iyon ni Anthony ng bungisngis.Dumako ang tingin sakin ni tita sanya at ngumiti.
"Mukha kang Amerikana Hija. Anong pangalan mo?"
Tanong nito sakin."Gwendelyn Perez po.."
"Hi Gwen, my dear.. Welcome to our Agency. Call me Tita Sanya as well."
Sabi niya.Sa tantiya ko nasa mid 40's na siya pero mahinahon ang kilos at halatang galing sa kilalang pamilya. Maputi ito at kulot ang itim na buhok. Natural ang ganda niya kahit walang make up at di pa siya masyado nagkakaroon ng kulubot sa mukha, halatang alaga ang balat niya.

BINABASA MO ANG
Chained Me
RomanceHe will claim me no matter what. Kahit ang kabayaran non ay ang buhay niya. A beast like him wants me to be with him, forever. Be chained by him.