THIRD PERSON'S POV
Kanina pa sila nagbabyahe, at medyo gabi-gabi na ngayon ngunit marami pa ring mga tao sa daan.Nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan kasabay non ang pagkislap rin ng mga street lights.Naririnig ang musiko ng mga busena ng mga sasakyan sa daan.
Habang humihilik na natutulog si Jeix, nakasandal sa upuan habang naglalaway pa ito, ay kanina pa bumabagsak ang medyo mahina-hinang ulan.Habang di pa rin napapagod sa pagmamaneho si Khing.
Nag-red light, kaya huminto muna si Khing.Sumandal, at bumuntong-hininga.At dahan-dahan niyang nilingon si Gohan na tulog pa rin.
"Tss.." napa-smirk si Khing at tumingin sa labas na umuulan, napatingin siya sa aircon na naka-on sa loob ng sasakyan, napatingin siya kay Jeix, at agad na hininaan konti ang lamig para di lamigin si Jeix.
Huminga siya ng malalim pagkatapos at muling ibinalik ang tiningin sa labas.Nakita niya ang mga taong naglalakad habang nakapayong.May mga tumatakbo na naka-employee uniform pa dahil wala silang mga payong kagagaling lang sa trabaho.May iba namang nagpapaulan.
May nakita siyang isang batang lalaking nag-iisang naglalakad habang naka-rain coat.May boots pa itong suot-suot.Malungkot ang mukha nito habang nakatungo, hanggang sa nanlaki ang mga mata ni Khing nang may lumapit na batang babae sa kanya at hinila siya dahilan para tumakbo silang dalawa palayo.
Nainis na naman siya dahil may memoryang hindi niya alam ang pumasok na naman sa utak niya.
Sa tuktokk ng isang bukirin kung saan sila nagkikita, ay biglang bumuhos ang malamig na ulan.Nagtatawanan ang dalawang bata(yong parehang batang babae at lalaki nong nakaraang memory).Naka-rain coat yong batang lalaki, habang basang-basa lang ang batang babae at walang payong o kahit-anong rain coat para maprotektahan siya mula sa ulan.
Binigay niya kasi ang rain coat niya sa batang lalaki.
Habang pumapatak ang bilyon-bilyong patak ng ulan, ay nagtatawanan at nagtatalunan ang dalawang bata sa gitna ng ulan.
Nahinto nalang sila nang biglang tumunog ang cellphone ng batang babae.Six years pa lamang ito pero binigyan na ng pinakamahal na cellphone.Water proof ito, kaya inilabas niya kahit dinadaluyan na ng ulan.Isang text pala iyon, at binasa iyon ng batang babae.
Sinubukang silipin ng batang lalaki ang text na natanggap ng batang babae, pero ibinaba na iyon ng batang babae.
"Alis na ako.Pasensya na, kailangan niya ako para sa assignments niya eh." malungkot na sabi ng batang babae.
"Ha?Sino?" nalugkot rin ang batang lalaki.
"Yong kaibigang kinwento ko sa'yo?Yong tinu-tutor-ran ko sa school?Siya ito.Sorry ha?"
"Okay lang, Min.Next time ulit ha?"
"Oh..sige..paalam!" at tumakbo na palayo ang batang babae at umalis.
Sinundan lang ng tingin ng batang lalaki ang batang babae habang tumatakbo ito palayo.Nang mawala ito sa paningin niya, umusal siya ng salamat dahil kahit pwedeng magkasakit ang batang babae sa ginawa niyang pagbigay ng rain coat sa kanya, ginawa niya pa ring unahin siya.
"BWISIT!" sigaw ni Khing nang matapos yong isang memory na biglang pumasok sa utak niya.Hinampas niya pa ang dashboard. "Ni hindi ko man lang alam kung sino ang mga batang yon!Kainis.." galit niyang sabi sa sarili at humarurot na paalis nang mag-green na ang light.Isinigaw niya iyon, kaya nagising si Jeix.
YOU ARE READING
SACRIFICE - Season 2 (COMPLETED)
FanfictionSacrificing has an end. A story inspired by He's Into Her by maxinejiji. Read Season 1 before this. Cover by: @Celestial_Psychopath © ceethri • 2018