CHAPTER 2

5.6K 189 0
                                    

Geyle's POV

"Did you know each other??" Tanong ng mom nya siguro.

"A-ahh hindi po. Akala ko po kilala ko" pagdadahilan ko at umiwas ng tingin kay Wane ng mapansing nakatingin sya saakin. Pinaupo na rin kami at nag order na. Nakakainis kaharap ko talaga yang pagmumukha ng lalaking yan. Naiinis ako sa kanya lalo na pag naaalala ko yung panlolokong nagawa nya. Di ko na nga kayang makasama sya ngayong dinner makakasama ko pa sya habang buhay!

Siguro nilalamay nako nun.

"Ahh so balae kelan ang kasal" nabulunan ako sa sarili kong laway ng marinig ko yung tanong ng mom ni Wane.

Grabe mas excited pa sila sakin? Bakit di nalang sila ang magpakasal dyan mphh.

Nanunuyo ang lalamunan ko sa mga nangyayari. Uminom muna ako ng tubig.

" Iniisip namin na 2 months after her 18th birthday" sabi ni dad. Halos maluwa ko sa kanya yung tubig na iniinom ko. Katabi ko kasi sya.

ANG BILIS KO NAMANG MATALI!

"Dad ang bilis naman po!" Inis kong sabi. Iniisip ko pamo na magtatrabaho muna ako bago kami magpakasal ew kadiring word yung KAMI wala na wala namang ganun.

"Anak" nag aalalang sabi ni mom na parang sinasabing wag silang pahiyain. Nanahimik nalang ako. Syempre masunurin ako kela mom kasi mahal na mahal ko sila.

"P-pano po nyan d-di po namin kilala ang isa't i-isa" kinakabahang tanong ko. Syempre magtatanung ako ng ganun. Paano kami magkakaron ng good term relationship kung ano.. ihh wag na nga.

"Kaya we've decided na ipatira kayo sa iisang bubong" sabi nung dad ni Wane.

"Ano? Kami lang??" Tanong ko.

"Of Course may maids kayo atsaka dun din titira ang kuya mo" sabi ni mom. Bigla akong napatingin kay Wane. Aba't nakangisi ang gunggong bakit kaya ito nakangisi.

Wag kang ngingisi ngisi dyan baka tanggalin ko labi mo

"And mag aaral na pala si Wane sa school mo iha para mas lalo nyong makilala ang isa't isa" sabi ng mom ni Wade. Di ko na kaya toh. Di naman pala nila ako kailangan dahil nakaplano na lahat.

"Uhm Mr. And Mrs. Sandoval--" di na nila ako pinatuloy.

"Mama and papa iha" sabi nila.

"M-mama and p-papa. Dad, mom labas muna po ako. Papahangin lang" sabi ko at aalis na sana ng magsalita si Mrs-- Mama pala.

"Wane you should accompany her" parang ayaw ko na atang umalis. I want to go home. Kapag nakikita ko lang ang pagmumukha ng lalaking yan bumabalik ang sakit. Pumunta ako sa park malapit sa restaurant na pinuntahan namin kanina. Nag swing muna ako. Nagulat ako ng umupo sya sa swing sa tabi ko. Tinignan ko sya. Mas lalo syang gumwapo. Yung mga mata nya yung ilong at yung labi nya nakakaak-- teka ano ba yung pinagsasabi ko.

Naalala ko yung first kiss ko. Sya ang nakakuha dahil inilaan ko talaga DATI yun sa kanya. Lagi syang nanghihingi ng halik nun. Minsan smack lang. Kaya nga ang sakit ng malaman kong dare lang pala yun eh. Tinanong ko sya kung totoo ang mga pinaparamdam nya. Kung totoong minahal nya ako kahit minsan. Kasi kapag oo hindi ako makikipag hiwalay sa kanya. Kaso lahat yun ay kalokohan lang.

Qaqo kasi sya eh

"Staring is rude" sabi nya saakin. Di ko alam pero naiiyak ako. I miss his voice. Yung sakit lalong dumadagdag. Bakit ganito ka tadhana?? Peace naman tayo diba?

"Why are you crying??" Pst kunwaring nag aalala. F*ck nanggigigil ako sa kanya. Sya lang ang gumagawa saakin neto. Bigla kong pinunasan ang luha ko

"Nothing" cold kong sabi. Yan dapat ganyan.

"Sorry" bigla nyang sabi.

"Sorry for what??" inis na tanong ko. Sus don't play dumb Geyle. Alam mo kung anong sinasabi nya.

"Sorry for everything. Sa panloloko ko sayo" sabi nya. Naiiyak nanaman ako. Bigla akong natawa.

"Ano ka ba wala lang yun kinalimutan ko na yun lahat" sabi ko. Pst galing ko magtago ng feelings. Wait pagtatago ba yun o pagsisinungaling?? Kahit ano! Napatulala nalang ako sa kawalan. Naiisip ko yung mga katangahan ko nung bata pa ako para lang sa kanya.

"Anong iniisip mo??" Tanong nya. Anong idadahilan ko??

"Siguro naiisip mo ko noh. Mahal mo pa ako noh" nakangisi nyang sabi

"Hoy hindi noh iniisip ko kung paano kami ng b-boyfriend ko kung ikakasal na ko" sabi ko. Sh*t anong boyfriend ang pinagsasabi mo?? Sorry naman nabigla kasi ako eh bigla nalang yun nasabi ko. Nataranta ako ano ba.

"You have a boyfriend??" Cold nyang sabi. Luh kanina nakangisi pa ngayon naging cold. Moody pala toh. Dati kasi sweet sy-- ay past is past Geyle tama na.

"O-oo" nauutal kong sabi. Please kumagat ka.

"I want to see him" sabi nya. HUWHAT KSNCKSNDNDJ sinong idadamay ko sa kabaliwan kong toh?!

"Ok" f*ck Geyle anong okay eh wala ka ngang maipapakita eh?!

"Kids umuwi na tayo gabi na. Bukas nalang kayo magsweet talk hihi" akala naman ni Mrs--mama puro kami kasweetan dito eh di nya alam na sobrang akward nga eh.

Agad agad akong pumasok sa kotse dahil ayaw ko na dito. Pagkapunta ko sa bahay naligo muna ako dahil feeling ko ang lagkit ko na dahil sa pawis.

Wait ang lamig kanina ahh bakit ako pinag papawisan??

Pagkatapos kong maligo ay humiga na ako sa kama at pilit na natutulog. Di ako makatulog!

Kinaumagahan tumayo nako. Di naman kasi ako makatulog eh. Nag ayus nako ng sarili at bumaba. Di ako naglalagay ng kung ano sa mukha ko. Simplicity is beauty.

"Oh bunso di kaba natulog ang laki ng eye bugs mo" sabi ni kuya.

"Wala lang toh kuya" sabi ko at niyakap sya. His name is Gyoshi Franco. Ang super bait kong kuya.

"Sabi mo eh.Let's eat??" Tumango nalang ako.

"Nasaan sila mom and dad?" Tanong ko kay kuya.

"May inasikaso lang" sabi nya. Pagkatapos kong kumain ay umalis nako. Kiniss ko muna si kuya sa cheeks. Sumakay na ako sa kotse papuntang school. Nang makapunta ako ay mabilis akong pumunta sa room. Kailangan kong ilabas ito baka sumabog ako. Pagkapunta ko sa room nakita ko sila Abi. Nilapitan ko sila.

"Ghad ang haggard ng face mo teh anyari sayo??" Tanong ni Sam. Sinabi ko ang buong kwento. Wala akong pinalampas syempre. Pagkatapos kong magkwento ay nagtititili tong mga baliw

"I kennat. I kennat take this" sabi ni Sam. Tong baklitang toh.

"Hoy may problema akoo!! Paano nayan wala akong bf" sabi ko nang nakanguso.

"Don't worry girl may plano ako" nakangising sabi ni Sam

oh-ohh parang nakakakilabot toh ahh.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon