CHAPTER 12

3.5K 102 2
                                    

Geyle's POV

Nagising ako nang may tumapik ng marahan sa pisngi ko. Pagkamulat ko ng mata mukha na ni Wane ang nabungad ko.

"Wife gising na. Baba na tayo" nakangiting sabi nya. Tinignan ko ang paligid. Wala ng tao.

"Ano ba Wane di mo dapat sinasabi yan dito sa public place baka may makaalam" pagbabawal ko. Napasimangot naman sya sa sinabi ko.

"Bakit ba kasi di nila pwedeng malaman?" Nakasimangot na tanong ni Wane. Pinisil ko yung ilong nyang matangos.

"Kasi bawal" sabi ko at nauna nang lumabas bitbit ang gamit ko. Naramdaman ko naman syang lumabas. Pagkalabas namin nakita namin sila Sam sa di kalayuan. Kukunin sana ni Wane yung hawak kong gamit kaso tumakbo na ako papalapit sa kanila.

"Hoy babae ang tagal nyo naman baka may ginawa kayong mila-----aray ko naman wag kang nanapok sa face. Baka pumanget ako" inis na sabi ni Sam.

"Matagal ka nang panget" sabi ko at nagbleeehh sa kanya.

"Abat--" di na natapos ang sasabihin ni Sam nang magsalita na si ma'am.

"Okay class as you can see nandito na tayo. Dahil marami tayo dahil kasama pa ang ibang section, sa isang kwarto kailangan dalawa ang magkasamang matutulog" sabi ni maam. Kinilig naman ang mga babae dito.

"Sana katabi ko si fafa Wane"

"No dapat ako"

"Girls wag na kayong umasa kasi ako ang makakatabi nya"

Napairap nalang ako sa kaartehan ng mga babaeng ito. In your dreams girls.

"Ang makakasama ay sina blah blah blah" di na ako masyadong nakikinig kasi wala naman akong pake.

Matapos mag announce si maam ng magkakasama sa room, pinapunta na kami kung saan kami naka check in. By the way magkasama sila Kathleen pati Abi. Si Sam naman si nerdy boy, Lance. Ako naman si Chesca. Then si Wane kasama nya si Ghreiy. Nung malaman nga namin nanahimik lang kami kasi ang sama ng tingin nila sa isat isa. Alam kong di magandang ideya na magsama sila sa iisang room kaso wala naman akong magagawa.

"Hi" nakangiting sabi ni Chesca. Nerd din sya at malumanay.

"Hello" sagot ko. Habang nagliligpit kami ng gamit pumasok sila Sam.

"Hellooo girl! Libot muna tayo ang daming hot fafa dun sa labas ohhh" sabi ni Sam.

"Pag pogi talaga noh Sam" sarkastiko kong sabi.

"Nanggigigil kasi ako kay ma'am eh ang dami namang fafa saatin tapos si nerdy pa yung nakasama ko" sabi nya na nakapout.

"Ang panget mo" sabi ko. Kinurot namn nya ako sa tagiliran. Tinignan ko sya ng masama.

"Okay hahayaan ko yung sinabi mong panget saakin pag sumama ka" sabi ni Sam

"Pagod pa koo" sabi ko sa kanya.

"Sige ka pag di ka sumama ipappabuhat kita kay fafa Wane" pagkasabi nya ay bigla nalang akong tumayo.

"Sabi ko nga eh halika na!" Sabi ko at nauna nang maglakad.

"Girl ayaw ko dun sa chesca na yun."sabi ni Kathleen. Nagtaka naman ako.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko. Wala lang akong tiwala dun" sabi ni Kathleen. Tinignan ko si Abi na parang may malalim na iniisip habang itong baklang toh panay pacute masyado namang creepy HAHAHAHA.

Pagkatapos naming libutin itong beach ay bumalik na kami. Sabi ng mga kaklase ko kakain na daw pero magbihis na din ng pang swimming. Hinanap ko na yung t shirt at short ko. Papunta na sana ako nang pumasok sila Kathleen.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon