Chapter 35

974 31 23
                                    

Geyle's POV

Kagising na kagising ko, balak ko ng puntahan si Wane. Syempre naligo muna ako. Baka ambaho kong haharap sa kanya noh. Nag light make up din ako syempre apganda muna ang lola nyo para may reward si Wane na kiss pang sorry ko hehe.

"And done!" sabi ko pagkatapos kong maglagay ng liptint. Pagkalabas ko ng pinto, kakatukin ko na sana yung pinto ni Wane nang may makita akong notes sa pinto.

    __________________________________
    |                                                              |
    |                                                              |
    |                 Mauna na ko                  |
   |          Eat your breakfast             |
    |                                                              |
    |                                                              |
    |_________________________________|

Napasimangot ako sa nabasa ko. Galit pa ba sya? Ehhh sayang ayos ko ehhhh. Nakasimangot akong bumaba at pumunta sa sala. Naabutan ko si manang na nag aayos ng plato.

"Oh Geyle. Maupo ka na dito at para makakain ka na" sabi ni manang. Nginitian ko nalang sya at umupo na.

"Manang si kuya ho?" tanong ko kay manang. Parang pansin ko kasi na wala sya kahapon pati ngayon.

"Ahh may pinuntahan daw kasama yung mga kaibigan nya" sabi ni manang.

"May problema ba sainyo ni Wane anak?" tanong ni manang. Narinig nya kaya yung sigawan namin kagabi?

"Ahh wala po manang maliit na tampuhan lang po" pangsisinungaling ko. Konti lang ang nakain ko dahil nawalan ako ng gana. Kasi naman Wane ehhhhh nagiguilty tuloy akooo.

"Manang alis na po ako" sabi ko at lumabas na. Nagulat ako at nandito ang driver namin. Ang bilis ata nya bumalik.

"Kuya Jun, ang bilis nyo po bumalik" sabi ko sa driver namin. Ngumiti naman sya at nagsalita.

"Ay Geyle nag commute si Wane. Baka daw kasi umalis ka tapos di pa ako nakakauwi kaya naisip nyang mag commute nalang" sabi ni kuya. Awww kahit di nya ako bati may care parin sya saakin. Lalo tuloy ako naguilty! Kailangan ko ng magsorry sa kanya.

"Kuya Jun alis na po tayo" sabi ko sa driver namin.

Nang makadating nako sa school, nagmadali akong pumunta sa room. Kailangan ko ng makapagsorry kay Wane.

"Ayyyy!" sigaw ko ng may makabunggo ako.

"Ay sorry p--- ay Ghreiy!" sabi ko sa nabangga ko.

"Ohh hello Geyle. Nagmamadali ka ata?" tanong sakin ni Ghreiy.

"Oo eh. Sige bye na" sabi ko at nagpatuloy ng tumakbo. Nang makapunta nako sa room, hinanap ko agad si Wane. At sa wakas ay nakita ko na rin sya. Lumapit ako sa kanya habang nakatalikod sya.

"Wa--"

"Ok class. Back to your seats" Syet! First sub pala namin si Sir Tony ngayon! Mas maaga pa sya sa oras ng pasukan. Nakalimutan ko ano ba yannnn. Di tuloy ako makakapagsorry kay Wane. Dali dali kaming nagsiupo. Hayssttt bad trip di pa kami magkatabi ngayon ni Wane.

Nang matapos na ang discussion, pupuntahan ko na sana si Wane ng biglang nagsilapit tong mga kaibigan ko.

"Geeeyyyllleeee" sigaw ni Kathleen.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon