Geyle's POV
Siraulong babaeng yun iniwan kami. Ang totoo kasi talaga kinakabahan ako pero di ko alam yung dahilan. Siguro kasi iba ang dating nun sakin na parang alam nyo yun? Yung nakakakaba talaga pag imemeet mo yung parents ng gf or bf nyo? Syempre hindi wala kasi kayong jowa hahaha. Pero sa stage namin ni Wane, wala nang bf and gf dahil deretso wife and husband na kami. Oh anoo dibaaa.
"Ano Geyle punta na tayo sa booth natin?" tanong ni Abi. Tumango namn ako at sumunod sa kanya. Nagulat naman ako sa nakita ko.
"Marriage booth??" taka kong tanong.
"Oo sabi ni pres yan daw yung gagawin natin. Umaasa yatang may magpapakasal sa kanya" natatawang bulong ni Abi. Pinalo ko naman sya ng mahina.
"Huy sira ka talaga" yan nalang ang nasabi ko. Medyo masungit kasi si Pres saamin kaya maraming naiinis sa kanya. Pero saakin okay lang naman. Sakto lang naman pagiging strikto nya.
"Uy Geyle nabalitaan ko, si Pres Anika daw ang nagpapartner kela Wane chaka hailey noon sa resort" bulong nya sakin. Nagbago na pala ang isip ko. Di ko bet ang ugali ni Pres dahil napakasungit nya at napakastrikto. Tsk tsk.
"Halika tumulong na tayo kela Pres" Sabi ni Abi. At yun nga tumulong na kami sa pagdedecorate. May 2 days pa kaming preparation nyan dahil wala kaming pasok sa sabado at linggo. Feeling ko kailangan ko magmall nyan after sa sobrang stress na nafefeel ko ngayon. Hayyy. At yun na nga ilang oras kaming nag ayos. Wala pa kasing masyadong nasisimulan dahil nung isang araw chaka kahapon ay nagpaplanning palang sila.
F
A
S
TF
O
R
W
A
R
D"Hay kapagoddd" reklamo ko.
"Kapagod ka jan eh konti nga lang binigay na gawain sayo dahil kakagaling mo lang sa bugbog. Ako nga ang doble dahil--- asa ba kasi yiung bruhang kathleen na yun at di nagpapakita" pagkasabi ni Abi ay may nakita akong babaeng aprang tangang naglalakad sa pinto ng canteen. Lutang lang ang peg. Mugto pa ang mga mata.
"Ayun oh" turo ko sa kanya sabay inom ng drinks ko. Break kasi namin ngayon. Lunch time pala haha. Mga halos 3 hours ding wala si Kathleen.
"Oy anyare sayo!" sigaw ni Abi ng makalapit si Kathleen samin. Nung una bangag pa sya pero after nya kaming titigan ng ilang minuto, nagwala na sabay upo.
"Ihhh si Sam kasi eh pinapacurious ako" inisn nyang sabi. Nagtaka naman kami.
"Ano bang nangyare?" tanong namin.
"Kasi ganito. Nakita ko nanamang nilalandi ni Gladice si Sam. Eh sa girlfriend ako--" di nya na natuloy ang sasabihin ng manlaki ang mga mata namin.
"GIRLFRIEND KA NA?!!" sigaw namin.
"Aray ko naman! OA nyo teh?! Diba sinabi ko na sainyo na nagpapanggap kaming magjowa sa harap nung babaeng Gladice na yun" pag eexplain nya. Ahhhh. Sabay kaming huminga ng maayos ni Abi.
"Itutuloy ko pa ba?" sarkastikong tanong ni Kathleen.
"Sige go on" sabi ko naman.
"Tapos yun nakipag away ako. Tas may sinabi syang pag nalaman ko daw ang ano" ha? hanudaw??
"Ang ano?" tanong ni Abi.
"Ihh basta may sinabi sya na parang kailangan kong malaman pero di nya natuloy dahil pinutol sya ni Sam" sabi nya. Ahhhh
"Pero nakakapagtaka. Bakit nya puputulin yung sasabihin ni Gladice? May dapat ka bang malaman na tinatago ni Sam?" tanong ko naman sa kanya.
"Kaya nga eh. Ang weird kasi nya nung time na yun. Sobrang seryoso. Tas nung tinanong ko naman sabi nya sa tamang panahon daw nya sasabihin. Tapos nung kinulit ko, nag away naman kami. Kasi sigawan nya ako sabi nya ang kulit ko daw. Kaya naiyak ako tapos tumakbo papalayo sa kanya. 3 hours din akong nag iiiyak dahil di ko ineexpect na magiging ganun sya. Para syang monster" naiiyak na sabi nya. Kawawa naman pala.
BINABASA MO ANG
I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]
Novela JuvenilCover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang magbago ang nararamdaman mo dahil bata kapa. Marami ka pang makikilalalang iba. At marami pang mangyayari sayo na hindi mo aasahan. ...