Geyle's POV
Lakad lang kami ng lakad dito. Halos isang oras kami naglalakad dito. Hay boring.
"Ano? Maglalakad lakad nalang ba tayo dito??" Inis kong tanong.
"Saan ba gusto mo??" tanong nya.
"Umuwi nalang tayo" sabi ko at lumakad na palabas. May nakita akong parang maraming tao dun kaya pinuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang may humawak sa kamay ko. Isang babaeng may hawak ng mic.
"Ma'am pwede po ba kayong mag participate. May price po pero secret lang yung price" sabi nung babae. Hmmm... Di ko naman iniisip yung price eh pero curious ako ano yon.
"Exciting po ba yan??" Tanong ko.
"Opo ma'am" sabi nya at kumindat. Ngumiti nalang ako at tumango. Basta exciting game ako!
Ipupunta na sana ako nung babae sa mini stage nila nang hawakan ako ni Wane sa kamay.
Problema nito.
"Where are you going?" Kunot noo nyang tanong.
"Wane may laro dun oh. Magpaparticipate ako" sabi ko sa kanya at sumunod na sa babae.
"Ok guyyysss!!!!! Nakikita nyo ba itong magandang babaeng ito?" Tanong nung babae. Emcee ata sya. Sabay sabay namang nagsabing "oo" ang mga tao.
"Sya ang magiging trophy nyo" dugtong nya. Naghiyawan naman ang mga lalaki. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Really??!
"Lahat ng boys ay lalaban ng basketball. Pipili ang mga girls sa kung sinong lima ang pinakamagaling. Tapos sa second round bibigyan kayo ng 2 minutes para magshoot ng bola. Ang pinakamaraming mashoot ay syang panalo. Ang reward ay hahalikan ng babaeng ito ang mananalo sa pisngi at ang first place ay makakakuha ng hug mula sa kanya. Ok lang po ba yun sa inyo ma'am??" Tanong saaking ng emcee. Ngumiti lang ako at tumango. Nakita ko kung pano magdilim ang paningin ni Wane.
Nakita kong pumunta si Wane sa gitna kung saan ang mga participants. Nakita ko rin si Henry. Nang makita nya ako ay ngumiti sya saakin. Nakita ko rin si Elo (Chelo) at napatingin din sya saakin. Bigla nya akong kinindatan. Napadapo ako kay Wane nakikita kong parang nanggigil sya. Hay bahala na nga sya.
"Ok let the game begin!!" Sabi ng emcee. Nasa red team si Elo at iba pa. At magkagrupo sila Henry at Wane. Nakikita kong ang galing nilang tatlo. First round lang itong basketball kaya mabilis din matatapos. Napadako ako dun sa lalaking naka three point shot. Seryosong seryoso sya sa paglalaro. Ang pogi nyaaaa. Napatingin sya saakin at bigla syang ngumiti. Pwede na ba akong himatayin?? Namumula ako ngayon pero nang makita ko kung paano rin sumeryoso si Wane at tumingin saakin. Parang natigil ang mundo ko. Nakatulala ako sa first round di ko alam kung bakit. Nagising lang ang diwa ko ng marinig ko ang pito.
"Times up!!!" Sabi ng emcee.
Ang top 5 na kasali ay sina
*David Ihbos
*Henry Lorenz
*Chelo Malyori
*Wane Sandoval
*Ghreiy Veloz (yung lalaking pogi)"Ngayon for the round 2!!!!" Sabi ng emcee. Una yung david. Sa 2 mins nakakuha sya ng 18 points. Si Henry 15 points. Si Elo 20 points. Si Wane 26 points.
"Malapit na ang score ni Mr. Veloz kay Mr. Sandoval!! Sino kaya ang mananalo?" Tanong ng emcee. Puro sigawan lahat. 24 points na si Mr. Veloz. Last seconds nalang ay shinoot nya na ang bola....
"And the winner is...
Ghreiy Veloz!!!" Pagkashoot nya yung bola at 3 points!! Naka 27 points sya! Ibig sabihin ikikiss ko sya sa pisngi or ikikiss nya ko?
BINABASA MO ANG
I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]
Teen FictionCover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang magbago ang nararamdaman mo dahil bata kapa. Marami ka pang makikilalalang iba. At marami pang mangyayari sayo na hindi mo aasahan. ...