Geyle's POV
"Ohh hi Geyle" ngiting plastik na sabi nya saakin. Napangiwi ako sa nalaman ko.
"Oh magkakilala na pala kayo eh" nakangiting sabi ni David.
"Ahas kasi yan sa gubat kaya nakilala namin" bulong ni Abi.
"Ano?" Taas kilay na tanong ni Sasha.
"Wala! Sabi ko nakakagulat lang na magkapatid kayo--magkaiba kasi kayo ng ugali" binulong nya yung last sentence.
Yes tama kayo ng nababasa. Sya si Sasha! Di ko alam kung papaano nangyari yun. Ang alam ko lang ay sobra akong naiirita dahil nakakapit nanaman sya kay Wane.
"Kuya ayaw yata nila akong makasama eh. Si Wane nalang yung kasama ko mamasyal" nakapout nyang sabi. Tsk mukha kang baboy noh! Kagigil!
"Hindi noh! Gustong gusto ka nga naming makasama eh" nakangiting sabi ni Kathleen pero halatang sarkastiko.
"Good! Sabi ni Sasherie gusto nya daw pumunta sa amusement park. Ano g kayo?" Tanong ni David. Hay ang slow talaga di nya ba nagegets yung atmosphere dito?
"I'm good with that" sabat ng isa dyan! Tinignan ko sya at nakangisi ang loko. Taena mo bahala ka talaga dyan. Putek ka di mo man lang ako suyuin. Gagawa ka nalang ng damoves pahalik halik ka pa. Hoy di ako kinilig dun ahh. Slight lang.
"Wag kang mag alala girl kami ng0 bahala" bulong ni Abi saakin. Anong ibig nyang sabihin?
"Anong--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tinisod ni Abi si Sasha kaya napaalis ang kapit ni Sasha kay Wane at napaupo sa samento.
"Ouch!" Halatang naiinis na sabi ni Sasha.
"Oh my goshh sorry napaka careless ko. Okay ka lang ba?" Tanong ni Abi.
"Kaya mo bang tumayo?" Halatang nag aalala na tanong ni David. Naawa ako kay David kasi nagkaroon sya ng ganyang kapatid. Hayyy. Iniisip ko tuloy edi palagi na syang kasama sa mga lakad namin? Grrrr
"No! Ang sakit feeling ko mapuputulan nako ng paa" maarteng sabi nya. Sana nga maputol na eh. Joke lang di naman ako ganun kasama. Bubuhatin na saan ni David si Sasha este Sasherie ng biglang pigilan sya ni Sasherie.
"Uhmm gusto ko si Kuya Wane yung mag buhat saakin. Please?" Pacute na sabi nya. Bubuhatin na sana ni Wane si Sasherie ng biglang magsalita si Kathleen.
"Uhhmm Sna- este Sasherie sorry ha pero kasi may pupuntahan pa sila Geyle chaka sila Wane eh" sabi ni Kathleen at nag wink saakin. Actually saamin ni Wane. Di ko gets ang punto nila kung bakit nila ito ginagawa.
"Anong ibig mong--" di na ako natuloy magsalita ng takpan ako ng bibig ni Wane.
"Ahh oo may pupuntahan kami ni Geyle. Sorry ha" sabi ni Wane at inakbayan ako.
"Anong ginagawa mo?" Inis na bulong ko sa kanya.
"Makiride ka na lang" bulong nya pabalik saakin. Sumunod nalang ako sa kanya palabas ng bahay.
"Enjoyy!!!" Sigaw ni Sam. Himala nagsalita yun ahh.
Pagkalabas namin sa bahay nila David, sumakay na kami ng taxi. May binulong si Wane sa taxi driver at nagsimula na syang mag drive.
"Saan ba tayo kasi pupunta? Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Di man sya nagsasalita. Nakakairita ano ba hangin lang ba ako dito?
"Ayaw mong magsalita ahh, o sige bahala kang pumunta sa kung saan ka pupunta. Kuya patigil muna po dito" sabi ko at pinatigil ni kuya yung taxi. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong hilain ni Wane papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]
Teen FictionCover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang magbago ang nararamdaman mo dahil bata kapa. Marami ka pang makikilalalang iba. At marami pang mangyayari sayo na hindi mo aasahan. ...