Chapter 30

1.1K 39 6
                                    

Geyle's POV

Wednesday ngayon at nandito kami sa marriage booth nila Abi at David. Sana ol diba? Ano Wane? Anuna?? Hay nakuuu. After ng marriage booth, naglibot libot kaming anim at nadaanan namin sa pinakadulo ng booths ang horror booth.

"Ooohhhhh punta tayo jannn" excited na sabi ni Kathleen. Walang masyadong tao na nakapila eh kasi medyo maaga pa.

"Sure ka kaya mo? Baka wala pa tayo sa entrance nagsisisigaw ka na" png iinis ni Abi.

"Haha try me" pagmamayabang na sabi ni Kathleen at nauna ng pumasoksa horror booth. Wala na kaming nagawa kundi sumunod nalang. Pagkapasok na pagkapasok palang namin, sobrang lamig na ng simoy ng hangin.

"WAAAHHHHH" sigaw ng kung sino. Di ko masyadong makita eh dahil sobrang dilim. Binuksan ko ang flashlicght sa cellphone ko at ganun din ang ginawa nila.

"Ano ba yan Kathleen, wag ka ngang yumakap sakin! Dun ka sa bebe mo oh. Atsaka akala ko ba di ka natatakot?" sabi ni Abi. So si Kathleen pala yung sumisigaw. Grabe nag iba ang boses nya dun ah.

"Di ako natatakot ahh. Chaka anong bebe kayo dyan. Walang ganun" sabi ni Kathleen at mauuna na sana ng may nanggulat nanaman sa kanya.

"WAHHH SAMM" sabi nya at niyakap ang braso ni Sam. Nailing iling nalang ako sa pinaggagagawa ni Kathleen. Nagsimula na kaming maglakad at...

"AHHHH" sigaw ni... David?

"Pfft" yang ang sabi namin at nagpipigil sa pagtawa.

"Ano ba yan akala ko poprotektahan mo ko pero parang ako ang poprotekta sayo" inis na sabi ni Abi. Nakatago ngayon si David kay Abi habang ako ay nakayakap lang kay Wane.

"Wag kang matakot. Ako ang bahala sayo" sabi nya at kinindatan ako. Sana nga di din sya sumigaw tulad ni David. Nang tinuloy tuloy naming maglakad, may nakita kaming 4 daan.

"Hala anong pipiliin natin?" tanong ni Abi.

"Kailangan nating maghiwa hiwalay para mahanap natin ang exit" sabi ni Wane. Tumango naman sila.

"Kami sa gitnang kanan" sabi ni Abi.

"Ok kami sa dulong kaliwa" sabi naman ni Sam.

"Teka anong kami? Sasama ako sayo? No! Sa dulong kanan ako" inis na sabi  nya.

"Hoy wag ka nang pakipot! Sumama ka na kay Sam" sabi ko kay Kathleen at aba, inirapan nya lang ako. O sige bahala ka jan. Tignan natin hanggang san ka tatagal.

"So, sa gitnang kaliwa kami" sabi naman ni Wane. Tumango naman ako.

"Ok magsimula na tayong maglakad" sabi ko at nagsimula na kaming pumasok sa parang tunnel. Teka bat parang ang laki yata ng space ng horror booth na to? Pero parang okay lang, masisikip din kasi dinadaanan namin ngayon.

"WAHHH" sigaw ko ng biglang may nanggulat saakin. Buti nalang at niyakap ako ni Wane at tinakpan ang mata ko para di ko makita.

"You ugly creep! Don't scare my wife!" rinig kong sigaw nya. Pisil ko naman ang braso nya.

"Wag ka na magalit. Okay nako" nakangiti kong sabi. Tumingin naman sya sakn at ngumiti. Pagkatapos ay nagsimula na ding maglakad. Maraming web spiders at mga props. Nakakatakot din mga make up ng mga tao dito. Bawal ginugulat ako ng mga nakamaskara, tinatakpan ni Wane ang mata ko para hindi ako matakot lalo.

"Geyle" rinig kong tawag sa pangalan ko.

"Wane tinatawag mo ba ko?" tanong ko sa kanya.

"Huh?? I said Damn" sabi nya. Ayy baka namali lang ako ng narinig.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon