Geyle's POV
Sabado ngayon at kasama ko si kuya. Umuwi na kasi sya at niyaya ko munang magbike. Habang nagbabike, kinwento ko ang mga nangyari saamin ni Wane. Nga pala pinapalayo pala ako ni Wane kay Ghreiy, syempre di ko naman maiiwasan yung tao kaya ginawa ko ay medyo lumalayo nako kay Ghreiy. Baka kasi bumangon si Wane sa kama pag di ko iniwasan si Ghreiy. Nakakapagtaka nga eh selos na selos sya kay Ghreiy pero walap ok namang gusto sakin si Ghreiy. Dalawang araw ko yun ginawa. Tapos pag uwi ng school, deretso na ko kay Wane para alagaan sya at pakinggan ang mga kakornihan nya. Nga pala lumabas na si Wane ngayon sa ospital. Medyo umokay na daw kasi yung tama nya sa balikat. Pero medyo masakit parin daw pag ginagalaw. Di lang kasi daplis yung nangyari sa kanya eh. Ewan ko nga paano nya ako nayayakap kung masakit pala yung balikat nya.
"Geyle, ano magbabike ba tayo o dito nalang tayo" sabi ni kuya.
"Ayy hehe sorry alika na kuya" nakangiti kong sabi. Matagal tagal na din kasi kaming di nakakapag bonding ni Kuya.
"Kuya may sasabihin pala ako sayo" sabi ko sa kanya habang nagbabike kami sa may park malapit samin. Napatingin naman sakin si kuya.
"Ano?" tanong ni kuya. Huminga muna ako ng malalim bago umamin kay kuya.
"Kami na ulit ni Wane" sabi ko. Ramdam ko ang gulat ni Kuya dahil napatingin sya saakin ng nanlalaki ang mga mata tapos ay na out off balance.
"OUCH" sabi ng babarng nakabunggo ni kuya.
"KUYA!" sigaw ko naman at nagmamadaling bumaba sa bike para puntahan si kuya.
"STUPID! DI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO" sabi ng babae--- si Gladice.
"Gladice??" tanong ko. Tinignan nya naman ako ng nagtataka.
"Who are you?" tanong nya.
"I'm Geyle. Friend ni David" sabi ko sa kanya. Inirapan nya nalang ako.
"Yeah whatever" sabi nya.
"By the way, call me ate Gladice. Have some respect kid" maka kid naman toh. So ibig sabihin mas matanda si Gladice kay David? Ibig sabihin magkatapit sila ni kuya ng edad? 24 na kasi si kuya eh. Pero bakit hinahabol habol nya si Sam? Ano kayang meron?
"I'm so sorry. May masakit ba sayo?" tanong ni Kuya at chineck si Gladice.
"Basta next time wag tatanga tanga" inis nyang sabi.
"Excuse me, you are walking in the middle road so it's your fault. And please, fix your attitude first before you judge others. Let's go Geyle" sabi ni kuya at nauna ng sumakay ng bike at umalis. Nakita ko naman ang inis sa mukha ni ATE Gladice. Burn ka kay kuya noh.
"Kuya wait" sabi ko at sumakay na rin sa bike at sumunod kay kuya.
"UGGHHH" rinig kong sigaw ni Ate Gladice.
"Kuya napakastraight forward naman nun" sabi ko kay kuya ng makasabay na ako sa kanya. Pero medyo natuwa rin ako sa sinabi ni kuya. Napaka attitude kasi nung babaeng yun.
"Wala syang manners kaya dapat tinuturuan sya ng leksyon" sabi ni kuya. Sabagay nga naman. Nang mapagod kami kakabike, nagstop muna kami sa may zagu.
"HAAAAAA REFRESHING" sabi ko. Balos mabulaukan ako ng tignan ako ng seryoso ni Kuya.
"Sigurado ka na ba?" tanong ni kuya. Sigurado saan??
"Na refreshing toh? Oo na--" di nya na ko pinatapos.
"No. Sa relationship nyo ni Wane" sabi ni Kuya. Nagtaka namn ako.
"Kuya magiging mag asawa na din kami ni Wane. Gusto lang namin na maramdaman yung in a relationship stage" sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman sya. Bakit parang may plano si kuya?
BINABASA MO ANG
I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]
Teen FictionCover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang magbago ang nararamdaman mo dahil bata kapa. Marami ka pang makikilalalang iba. At marami pang mangyayari sayo na hindi mo aasahan. ...