CHAPTER 7

4.4K 140 1
                                    

Geyle's POV

Monday na ngayon. Wala namang nangyari kahapon eh. Buong maghapon kasing wala si Wane. Kasama nya yung mga kaibigan nya tsk.

Nandito na ako ngayon sa gate ng school. Nauna ako kay Wane. Pagkapasok ko ng classroom bumungad na agad ang tatlong taong nakangiti ng nakakaloko at nakatingin saakin. Pinanliitan ko sila ng mata. Pumunta na ako sa pwesto ko. Pagkaupong pagkaupo ko palang nakichismis na ang mga babaitang ito.

"Geyle anong nangyari sa inyo?? Nagdate ba kayo??" Nakangiting tanong ni Kathleen.

Sabi na nga ba eh

"Bat kayo umalis??" Madilim na tanong ko. Kunwari galit ako syempre. Namamawis sila.

"A-anong umalis? D-di nga kami nakapunta diba" sabi ni Sam. Tinitigan ko sila.

"Kung di kayo nakapunta pano nyo nasabing nagdate kami??" Nakataas ang isang kilay kong tinanong yun.

"A-ahh hehe kasi...." di ko na pinatuloy ang sasabihin ni Sam.

"It's okay. Alam ko namang takas kayo sa mental kaya pagtatyagaan ko nalang kayo" nang aasar na ngiti ko. Bigla akong sinabunutan ni Sam.

"Aray ano ba!" Inis kong sabi.

"Gaga anong takas sa mental. Sa ganda kong to impakta ka!" Mataray na sabi nya.

"Ako impakta hindi ahh! Kapag kinuwento ko sa inyo ang nangyari nung sabado tignan natin kung masabihan nyo pa akong impakta!" Nakangisi kong sabi.

"Ano??" Nakangiting tanong nila.

"Bleehh mamatay kayo sa pag iisip" sabi ko at sasabunutan sana nila ako nang pumasok na si ma'am Silda. Pagkapasok nya ay ang pagpasok din ni Wane. Ayus naman ang mukha nya. Pero panget parin hahaha. Ok fine pogi sya happy?? Pumunta na sya sa pwesto nya which is sa tabi ko.

"Huy saan kayo nagpunta kahapon ng barkada mo?" Tanong ko at ang gago nakangiting aso.

"Why? Did you miss me?" Nakangisi nyang sabi.

"Asa! Hoy kaya ko tinatanong kasi hindi ka naglinis ng bahay! Aba swerte mo naman kung ako lang yung maglilinis noh! Dal--" tinikom ko na ang bibig ko dahil nakalimutan kong wala pa palang nakakaalam na nakatira kami sa iisang bahay. Sigurado akong patay ako sa mga babaeng patay na patay sa panget na toh.

Okay pogi sya happy??

"Ano? Bakit di mo ituloy ang sasabihin mo?" Nakangising tanong nya. Inirapan ko nalang baka di ko mapigilang sapakin itong gwa-- este panget na nilalang na toh.

• After Discussion

Nakakapagod makinig kay ma'am. Ang boring kasi magturo parang patay.

"Geyle lika na?" Tanong ni Abi. Nginitian ko nalang sya at tumango.

Pagkapunta namin sa cafeteria may nakita na agad kaming pwesto. Pagkaupo namin nilagay na namin ang bag namin at tatayo na sana ako nang hawakan ni Sam ang balikat ko at pinaupo ulit ako.

"Lilibre kana namin" nakangiting sabi nya. Nagtaka naman ako. Pagkaalis nila may naalala ako. Napataas nalang ako ng kilay sa naisip ko.

Akala nila di ko malalaman na kaya ganun ang trato nila saakin dahil gusto nilang malaman ang nangyari nung sabado. Manigas sila!

"Geyle nandito na ang PABORITO mong meryenda!!" Sigaw ng baklita. Pagkabigay nya ay nilamutak ko na agad ang pagkain.

"Ako wala?" bulong ni Kathleen.

"What?" tanong ni Sam. Inirapan nalang sya ni Kathleen at nagsalita.

"Wala!" sabi ni Kathleen.

"Masarap ba?" Nakangiting tanong ni Kathleen sakin. Nag thumbs up nalang ako.

"Sige ubusin mo lang" sabi ni Kathleen. Di ko nalang sila pinansin. Nang matapos ako ay bigla silang napatigil sa kinakain nila. Nakangiti sila ngayon.

"Mukha kayong aso" sabi ko sa kanila. Aba parang bingi di man lang nag react.

"Ikaw naman Geyle para kang dyosa" nakangiting sabi ni Sam

"Tigil tigilan nyo ko" inis kong sabi. Sabi na nga ba eh mambobola sila akala naman nila magpapabola ako tsk.

Tumayo na ako at pupunta sa theatre buti pa dun tahimik. Pagkapunta ko sa theatre pumunta ako sa dulo at umupo at pumikit. Kaso gaya ng inaasahan sumunod ang tatlong impakta.

"Huy Geyle sabihin mo na. Dali na parang wala tayong pinagsamahan" sabi ni Kathleen.

"Bakit meron ba? Sino ba kayo?" Taka ko kunwaring tanong. Gusto kong matawa sa itsura ng tatlong hindi maipinta ang mukha.

"Hahahahahaha okay sasabihin ko na baka mamatay kayo kakaisip. Ay wala pala kayong isip hahahaha joke lang" sabi ko ng tignan nila ako ng matalim. Sinabi ko kung ano yung nangyari sa lakad namin pero di ko sinabi yung scene na nasa bahay na nakakahiya kaya yun. Matapos kong sabihin ang nangyari sa lakad namin nung sabado expected ko na ang reaksyon nila.

"Wahhhh bes grabe ka ang haba ng hair mo tinalbog mo ko" nanggigigil na sabi ni Kathleen.

"Syempe mas maganda ako sayo" sabi ko na ikinairap nya. Hahaha mukhang matatanggal yung mata nya kakairap.

"Huy alikana malelate na tayo sa next subject natin" sabi ni Abi. Tumango nalang kami at naglakad na papuntang room.

Pagkapasok namin sa room saktong papasok palang ng prof namin. Hoo buti umabot. Habang nagdidiscuss si sir biglang may kumalabit sa tabi ko.

"Bakit ngayon kalang? Saan ka nagpunta? Di kita nakita kanina sa cafeteria" sabi nya. Napairap naman ako.

"Pake mo" bulong ko.

"May pake ako kasi fiancee kita" sabi nya. Napanganga ako at tinakpan ang bibig nya. F*ck!! Medyo malakas ang pagkakasabi nya buti busy na busy sila sa pakikinig kay sir. Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay kong nakatakip sa bibig nya kaya agad kong inalis.

Maya maya may kumatok sa pinto.

"Yes anong kailangan mo??" Tanong ni sir sa lalaking nasa pintuan. Nakangiti sya saakin. Sino bato??

"Hinahanap ko po si Geyle Franco" sabi nya habang nakatingin parin saakin. Nagsitilian naman ang mga kaklase ko. Tinignan ko naman tong katabi ko nakakunot na naman ang noo nya. Lumapit ako dun sa lalaki.

"Bakit nyo po ako hinahanap??" Nagtataka kong tanong. Seryoso syang nakatingin saakin.

"I need you Geyle Franco"

Howemji anong ibig nyang sabihin?!

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon